
anong kwentong Old Diplomat Hotel mo?
my gopro gone wild. lahat ng video ko sa gopro ko puro nung nag-take ako ng video sa area na to. pero yung vids sa labas ok naman lahat.

my gopro gone wild. lahat ng video ko sa gopro ko puro nung nag-take ako ng video sa area na to. pero yung vids sa labas ok naman lahat.
Just looking for something to read. Anong pinaka terrifying experience niyo? Share niyo naman.
Recently may napapanuod ako ng movies and games na horror na related sa body preparation (embalming, etc) ganun. Ano po mga kwento nyo? THank you!
Gusto ko sana ishare tong experience ko kanina, kaso pagkinekwento ko kasi sa iba parang di ka panipaniwala. may nakaexperience na din kaya sa inyo neto?
Daily Runner po ako (as in everyday jog) taga Parañaque po ako. ang usual na joggingan namin ay sa Manila Memorial Park po. *maaliwalas, walang sasakyan*
so kanina po, nung natakbo ako nasa may area po ako na di masyado dinadaanan ng mga runners, yung pinakakasuloksulokan. While running po, natanaw ko sa mga 100m na may kumakaway saking bata, may kasama syang dalawa pa. nakawhite po sila, nakaslacks na black. mejo tinayuan na ko ng balahibo.binagalan ko takbo ko then inalis yung left earphones ko. nagtanong yyng bata "kuya nasan po kami?"
grabe yung ulo ko parang tumitibok tibok na tska sobrang naiiyak na ko. tinaas ko lang yung shoulder ko to give a sign na "di ko alam".
dumire diretso na ko. di na ko lumingon ule. isama ko po dito yung parte ng area ng memorial na nakasalubong ko sila. till now po kinikilabutan pa din ako.
Kaninang umaga lang nangyari to pero di ko parin naitindihan yung pangyayari.
Context: Tuwing pasukan, gumigising ako ng alas kwatro ng umaga para maghanda sa trabaho. Ako ang unang gumigising sa bahay para magsaing at painitin ang tubig.
Gumising ako like the usual. Pag ganitong oras, sobrang tahimik ng paligid. Yung tanging maririnig mo lang ay mga galaw mo.
Pero kanina, may naririnig akong nagmimisa sa labas ng bahay namin. May naririnig akong choir na kumakanta, pero yung lyrics di ko maitindihan. Di ako sure kung yung Latin ba yun na naririnig natin sa ibang kanta ng simbahan.
Di ko na nabuksan yung bintana namin para silipin yung labas dahil sa lamig. Pero ang nakakapagtataka lang, bakit may nagmimisa kahit walang malapit na simbahan sa amin.
Hindi ako nanuod o nag basa ng kung anong related sa mga engkanto o ano mang paranormal, pero napanaginipan ko sila kagabi. First time mangyari yun. Crystal clear ang mukha nila sa panaginip ko. Mukha naman silang tao pero may kakaiba talaga sa mukha nila na hindi ko maipaliwanag. Matangos ang ilong, medyo singkit ang mata pero never ko pang nakita ang ganung mukha sa TV o anumang movies. Sa panaginip ko, parang close kami at nanduon yung feeling na penoprotektahan nila ako. Ang kakaiba lang, sa dagat sila patungo o pa uwi. May naka kita na ba ng engkanto? Ano ang mukha nila? Hindi ako sure kung anong klaseng nilalang ang napanaginipan ko, pero sure ako na hindi sila tao.
So I know what condos to avoid :/
Year 2024 nag trabaho ako sa isang branch ng sikat na mini grocery sa batangas city. eto yung mini grocery na makikita mo kahit sa loob ng mga Subdivision. Isang gabi, mga bandang alas otso, tahimik kaming nag babantay ng ka-shift ko. nagpa-alam sya sakin na mag CR lang saglit habang ako naiwan sa counter dahil may pa-ilan ilan na pumapasok na customer. Pag labas ng ka-shift ko sa CR, tinanong nya ako bakit ako katok ng katok sa pinto ng CR eh alam ko naman daw na may tao. sabi ko hindi naman ako napasok sa loob ng storage area(kung saan nandun yung CR) kasi nagkakaha ako. "Eh sino yung kumakatok? ang lakas ng katok sa pinto eh. hindi mo ba narinig?" tanong nya. sabi ko "Hala. hindi naman ako napasok sa loob". takang taka kami kasi parang tao daw talaga na nakatok. bigla kami napatigil sa loob ng counter tapos bigla kaming napatingin sa cctv monitor. Biglang nag close yung pinto ng CR. as in parang may tao na nag sarado. Bigla kami nag katinginan sabay takbo palabas ng pinto ng store.
Hi. Just wanted to have some nice/ interesting topic.
Do you believe in quantum immortality?
Yung tipong pag namatay ka na, nag co-continue pa yung buhay mo sa other dimension. Same person, same place, same time.
or naging witness ka? Kwento mo para gumaan
** NOT SURE IF THIS IS THE RIGHT FLAIR FOR THE STORY IM ABOUT TO TELL **
You know what Filipinos say when you see a butterfly in your garden? Sasabihin nla si ___ yan or lolo/lola mo yan, bumibista. My story is similar to this
I was close with my grandfather when I was a kid. Sadly, he passed away due when i was 5 years old. Earlier today, I bought my first car (own money, nakapangalan sakin, all the adulthood shizz). When I drove out the dealership, I heard scratchig outside my window and saw a bird perched on the side mirror. Ive been driving for almost 11 years now and never ako naka encounter or experience ng ibon na naka tambay sa side mirror ko. So nung nakita ko syempre nagtaka ako ang tinignan ko then the bird went closer and started pecking on the window. I told my mom about it nung pag uwi ko and she said it was probably my lolo because he had a habit of tapping on your forehead/head na parang nang aasar if you've made a big brain move.
It could all be a coincidence na may tuumambay lang na ibon sa side mirror ko at that particular moment, but I'd like to think that it was him and bumisita lang :)
Idk if tama ba yung flair na ginamit ko but I rlly have no other ways to understand what just happened to me kaninang madaling araw. For context, ever since bata ako lapitin na talaga ako ng mga bagay na hindi nakikita, it's also the reason kung bakit nasanay nalang ako.
So ayun, as I mentioned earlier, this happened kaninang madaling araw.Yung bahay kasi namin is loft type. Bale may 2nd floor kami pero wala syang dingding, kaya naman kapag binubuksan yung aircon namin sa taas is pang buong bahay na sya. Ako lang ang natutulog sa taas, si mama and yung tita ko is sa baba. Yung electric fan ko sa taas is a stand fan, nung binuksan ko yung aricon pinaharap ko sya sa may railings para makababa agad yung lamig kila mama. Noong malamig na pinatay ko rin sya and hinayaan na doon sya sa railings nakaharap. I clearly remember na bago ako natulog, binunot ko sya sa saksak kasi ayun ang laging paalala ni mama. I woke up exactly 2:30am kanina kasi nasi-cr ako, and nagtataka din ako kasi bakit sobrang lamig na. Nagulat ako kasi bukas yung electric fan ko. Nakasaksak sya at number 3 pa. Nakaharap na din sya at naka steady pa sa akin. Kaya pala lamig na lamig ako.
I'm not saying na this is paranormal agad kasi I'm also considering the fact na baka ako talaga ang nagbukas non at pinaharap ko sa akin at hindi ko lang sya matandaan. The reason kung bakit ko sya iniisip na paranormal ay dahil I had this experience before. Binunot ko rin ang saksak ng electric fan ko before, I even put the wire sa ibabaw, pero narinig ko syang umandar noong nasa baba na ako. Another one reason is because, back in November, I feel like nasundan ako ng something. It was another story to tell, pero it was during my ojt na naka-encounter kami ng mga friends ko ng something eerie sa place na nilipatan namin. Nang makauwi kami dito sa province namin, that's when I started to feel something dito sa bahay namin.
I saw a random post in Threads and I couldn't agree more.
Parehong pareho kami ng feeling. Everytime na dadaan kami diyan nakikita ko sa LRT yung scene na yan and parating "mabigat" "malungkot" "nakakadepress" yung feeling. Seems like full of negative energy pero gustong gusto ko tignan yung place.
Do we have the same sentiments guys sa mga nadadaan diyan before?
And lastly ctto 😊
around 2:30 just before I posted this, I felt hungry and I go to the kitchen to check if I could pre heat a food or make a fried rice cause I'm hungry af. and as I wash my pan to cook the fried rice, I hear this rubbing metalic noice, or just straight up rubbing teeth. I didn't cared much until I hear it again and again, and as I check outside "there's a window we're our kitchen is, like above the counter there's a window" and I felt this immediate force or field of energy, and I feel like someone is on top of our roof. like it's holding me, my body felt numb. glad I just literally ran to my room and locked the door, before that thing would've got me.
hi guys so for context bata pa lang ako lapitin na talaga ako ng mga multo (kakalaro ko ng tarot cards & ouija board) I just wanted to share this pic that I took the other day during my after nursing school hours 🥲 my clinical instructor asked me na sunduin ko yung classmate ko sa higher floor para sabay sabay na kaming uuwi. Kaso nag kamali ako and I ended up entering an empty floor. There was nobody there but a bunch of old boxes and broken furnitures. And I froze in place kasi I started hearing mga bulong na boses coming from empty rooms na galit na galit and parang someone is watching me from thin air (kahit the whole floor was empty). I felt like I was going crazy because i couldnt stop hearing the whispers coming from thin air and sobrang tumataas na balahibo ko 🥲 I decided to take a picture out of intuition (and i was almost crying) and hurriedly went downstairs kaagad.
when i got home, this is what i saw - kayo na po mag husga 🥲 that thing na nakatingin sayo in the dark was not there when i took the pic
Kakagawa pa lang ng office building namin so wala pang gaanong tao. Iilan pa lang kaming nakalipat from rented buildings. May training kami nun sa 12th floor. Pagpunta ko sa elevator, pinindot ko yung 12th floor sa panel sa labas ng lift. Di kasi sya yung pagpasok mo, tsaka mo pipiliin kung anong floor ka. Pagpindot ko ng panel, bumukas agad yung pinto. Tapos makikita mo sa gilid ng pinto kung saang mga floor papunta. 12th floor lang yung tanging andun. Tapos may nakasakay na. Medyo matabang lakake na naka-glasses, elephant pants at oversized shirt.
So baka kakapasok lang nya sa lift, tsaka ako nagpress, kaya andun na sya. Tapos nung nasa 12th floor na, ako lang yung lumabas. Naiwan sya sa loob. Kung nagkamali sya ng floor at kailangan nyang bumalik sa groundfloor, kailangan nyang bumaba sa lift para piliin ulit kung saang floor sya. Kasi hindi bababa yung lift unless may nagpress sa GF. So doon pa lang, nagtaka na ako.
Pagpasok ko sa office, sa dulo pa yung training room, super haba ng lalakarin ko. Lahat ng ilaw, de-sensor. So imagine ang dilim at bubukas lang yung ilaw pag dumaan na ako. Miski ang mga computers, patay pa. Kasi training room pa lang ang ginagamit sa 12th floor. Pagdaan ko sa isang bay, yung lalakeng nakasabay ko sa lift, nakaupo sa isang computer at bukas yung pc. Pero patay yung ilaw. So ano yun, di sya gumagalaw para mamatay ulit yung ilaw? Di ko lang pinansin.
Tinanong ko sa trainer ko kung occupied na ba yung floor kasi nga, may tao na. Sabi nya, wala pa raw talaga. Alam kong wala pa, kasi kami nga ang unang nagmove in doon. Di ko kilala yung guy.
Kinabukasan, kinausap ako ng Trainer. Pina-describe nya yung nakita kong nagwowork. E d sinabi ko, nandilat yung mata nya. Tapos sinabi nya na may IT kami na kakamatay lang, sila raw yung nag-install ng PC sa new office namin. Tapos base sa description ko, yun nga raw yung nakita ko.
Gradeschool pa lang ako neto at may groupings kami. Pumunta kami sa bahay ng classmate ko para gumawa ng activity.
First time namin sa bahay nila. Pag-upo ko sa couch nila, napatingin ako agad sa hagdan nila pataas. Kasi may umakyat na naka-itim na gown. As in mahabang damit. E d tinanong ko sa classmate kung sino yun para kako batiin namin ng magandang araw.
Tinanong ako agad ng classmate ko kung anong itsura ng nakita ko. Sabi ko nga, mahabang gown na kulay itim. Bigla nyang pinakitang tumataas yung balahibo nya sa arms nya.
Yun daw kasi yung nakikitang multo sa bahay nila. Tapos tuwing madaling araw daw, palaging kinakalansing yung mga sandok at kubyertos nila hanggang sa magising sila.
I have no title for this one and im not sure if interesting. Comment “what happend next?” If you want the next chapter to be posted
Untitled: Ch1
The dream always ends the same way. I’m running through a thick, suffocating fog, my breath hitching in my chest. I glance to my right, and there she is—strikingly beautiful, her brown eyes locking onto mine mysteriously. She doesn’t speak, but her gaze feels like a secret I’m not supposed to know.
BEEP. BEEP. BEEP.
I sat up, gasping as my phone alarm shattered the vision. I went through the routine: a quick bath, getting dressed, and heading out for another day of school. To get there, I have to pass the "Ancestral House." It’s a strange, looming structure with dark wooden walls and capiz shell windows that look like clouded eyes.
As I passed the neighborhood store, I heard two women gossiping.
"They found Mr. Simeon last night," one whispered. "He looked like he’d been dead for months. Just skin and bones... no blood left in him."
My heart sank. Mr. Simeon was a favorite teacher—tall, brownish skin, with that spiked hair look from the early 2000s. He was handsome and single; every female teacher and student had a crush on him. Now, he was just a hollowed-out rumor.
Note: image is AI gen.
For people na kinulam, ito gawin niyo. Pakuluan niyo ang inyong ihi with sharp objects like mga pako sa uling at sa clay pot. Yung mangkukulam, mapipilitan na bawiin yung sumpa kasi masakit yun sa kanila.
Bumili kami ng bahay sa isang subdivision dito sa Cagayan De Oro last year around July 2025. Nung una, kalmado pa naman yung bahay pero nung pina blessing na, doon na nagsimula ang kababalaghan
Ang bahay na’to, di talaga namin alam kung anong history but we know na 2-3 years walang nakatira dito, tho sabi ng mga kapitbahay namin meron daw but the owner and the landlady said otherwise.
So here are the unexplained encounters we had in the house:
- gold kitchenwares supposedly gagamitin sa house blessing pero nawala, pero sa gabi nakita namin na naka arrange sa storage room
- banging on the walls especially sa second floor at for sure hindi yun sa katabing bahay kase bungalow yung bahay nila
- may nawawalang mga gamit pero binabalik rin naman
- may nakita yung tito ko na tatlong entity na nakaputi, happily dancing raw pa akyat sa second floor na parang galing sa party
- yung mga pintuan namin, bigla nalang nasasara kahit
walang hangin
- may parts sa bahay especially sa second floor na amoy sigarilyo kahit nonsmoker naman kami, and ang amoy is very suffocating
- the dogs outside are howling nakatapat sa bahay namin
- doppelgängers
- black slender man, tho certain people lang pinapakitaan nya like my mother and our driver
- may naririnig yung yaya namin sa second floor kahit wala namang tao, like mga yapak
and alot more…
but i’d like to ask if ano kayang mga entities ito? possible kaya na susundan nila kami since we are planning on moving out kase di na talaga namin kaya ang takot
at what can we do kaya para mapalayas sila?