u/Apart-Transition449

May kumakatok sa pinto ng CR

Year 2024 nag trabaho ako sa isang branch ng sikat na mini grocery sa batangas city. eto yung mini grocery na makikita mo kahit sa loob ng mga Subdivision. Isang gabi, mga bandang alas otso, tahimik kaming nag babantay ng ka-shift ko. nagpa-alam sya sakin na mag CR lang saglit habang ako naiwan sa counter dahil may pa-ilan ilan na pumapasok na customer. Pag labas ng ka-shift ko sa CR, tinanong nya ako bakit ako katok ng katok sa pinto ng CR eh alam ko naman daw na may tao. sabi ko hindi naman ako napasok sa loob ng storage area(kung saan nandun yung CR) kasi nagkakaha ako. "Eh sino yung kumakatok? ang lakas ng katok sa pinto eh. hindi mo ba narinig?" tanong nya. sabi ko "Hala. hindi naman ako napasok sa loob". takang taka kami kasi parang tao daw talaga na nakatok. bigla kami napatigil sa loob ng counter tapos bigla kaming napatingin sa cctv monitor. Biglang nag close yung pinto ng CR. as in parang may tao na nag sarado. Bigla kami nag katinginan sabay takbo palabas ng pinto ng store.

reddit.com
u/Apart-Transition449 — 5 hours ago