haunted house?
Bumili kami ng bahay sa isang subdivision dito sa Cagayan De Oro last year around July 2025. Nung una, kalmado pa naman yung bahay pero nung pina blessing na, doon na nagsimula ang kababalaghan
Ang bahay na’to, di talaga namin alam kung anong history but we know na 2-3 years walang nakatira dito, tho sabi ng mga kapitbahay namin meron daw but the owner and the landlady said otherwise.
So here are the unexplained encounters we had in the house:
- gold kitchenwares supposedly gagamitin sa house blessing pero nawala, pero sa gabi nakita namin na naka arrange sa storage room
- banging on the walls especially sa second floor at for sure hindi yun sa katabing bahay kase bungalow yung bahay nila
- may nawawalang mga gamit pero binabalik rin naman
- may nakita yung tito ko na tatlong entity na nakaputi, happily dancing raw pa akyat sa second floor na parang galing sa party
- yung mga pintuan namin, bigla nalang nasasara kahit
walang hangin
- may parts sa bahay especially sa second floor na amoy sigarilyo kahit nonsmoker naman kami, and ang amoy is very suffocating
- the dogs outside are howling nakatapat sa bahay namin
- doppelgängers
- black slender man, tho certain people lang pinapakitaan nya like my mother and our driver
- may naririnig yung yaya namin sa second floor kahit wala namang tao, like mga yapak
and alot more…
but i’d like to ask if ano kayang mga entities ito? possible kaya na susundan nila kami since we are planning on moving out kase di na talaga namin kaya ang takot
at what can we do kaya para mapalayas sila?