u/cunehos

May nagmimisa kahit walang malapit na simbahan samin.

Kaninang umaga lang nangyari to pero di ko parin naitindihan yung pangyayari.

Context: Tuwing pasukan, gumigising ako ng alas kwatro ng umaga para maghanda sa trabaho. Ako ang unang gumigising sa bahay para magsaing at painitin ang tubig.

Gumising ako like the usual. Pag ganitong oras, sobrang tahimik ng paligid. Yung tanging maririnig mo lang ay mga galaw mo.

Pero kanina, may naririnig akong nagmimisa sa labas ng bahay namin. May naririnig akong choir na kumakanta, pero yung lyrics di ko maitindihan. Di ako sure kung yung Latin ba yun na naririnig natin sa ibang kanta ng simbahan.

Di ko na nabuksan yung bintana namin para silipin yung labas dahil sa lamig. Pero ang nakakapagtataka lang, bakit may nagmimisa kahit walang malapit na simbahan sa amin.

reddit.com
u/cunehos — 2 hours ago