▲ 40 r/phhorrorstories
Ano ba ang mukha ng mga engkanto?
Hindi ako nanuod o nag basa ng kung anong related sa mga engkanto o ano mang paranormal, pero napanaginipan ko sila kagabi. First time mangyari yun. Crystal clear ang mukha nila sa panaginip ko. Mukha naman silang tao pero may kakaiba talaga sa mukha nila na hindi ko maipaliwanag. Matangos ang ilong, medyo singkit ang mata pero never ko pang nakita ang ganung mukha sa TV o anumang movies. Sa panaginip ko, parang close kami at nanduon yung feeling na penoprotektahan nila ako. Ang kakaiba lang, sa dagat sila patungo o pa uwi. May naka kita na ba ng engkanto? Ano ang mukha nila? Hindi ako sure kung anong klaseng nilalang ang napanaginipan ko, pero sure ako na hindi sila tao.
u/Plus_Palpitation5229 — 24 hours ago