u/MuhDuhFuhKuh

Manila Memorial Park Run
🔥 Hot ▲ 189 r/phhorrorstories

Manila Memorial Park Run

Gusto ko sana ishare tong experience ko kanina, kaso pagkinekwento ko kasi sa iba parang di ka panipaniwala. may nakaexperience na din kaya sa inyo neto?

Daily Runner po ako (as in everyday jog) taga Parañaque po ako. ang usual na joggingan namin ay sa Manila Memorial Park po. *maaliwalas, walang sasakyan*

so kanina po, nung natakbo ako nasa may area po ako na di masyado dinadaanan ng mga runners, yung pinakakasuloksulokan. While running po, natanaw ko sa mga 100m na may kumakaway saking bata, may kasama syang dalawa pa. nakawhite po sila, nakaslacks na black. mejo tinayuan na ko ng balahibo.binagalan ko takbo ko then inalis yung left earphones ko. nagtanong yyng bata "kuya nasan po kami?"

grabe yung ulo ko parang tumitibok tibok na tska sobrang naiiyak na ko. tinaas ko lang yung shoulder ko to give a sign na "di ko alam".

dumire diretso na ko. di na ko lumingon ule. isama ko po dito yung parte ng area ng memorial na nakasalubong ko sila. till now po kinikilabutan pa din ako.

u/MuhDuhFuhKuh — 21 hours ago