u/chamisirene

Did i do it or someone else did?

Idk if tama ba yung flair na ginamit ko but I rlly have no other ways to understand what just happened to me kaninang madaling araw. For context, ever since bata ako lapitin na talaga ako ng mga bagay na hindi nakikita, it's also the reason kung bakit nasanay nalang ako.

So ayun, as I mentioned earlier, this happened kaninang madaling araw.Yung bahay kasi namin is loft type. Bale may 2nd floor kami pero wala syang dingding, kaya naman kapag binubuksan yung aircon namin sa taas is pang buong bahay na sya. Ako lang ang natutulog sa taas, si mama and yung tita ko is sa baba. Yung electric fan ko sa taas is a stand fan, nung binuksan ko yung aricon pinaharap ko sya sa may railings para makababa agad yung lamig kila mama. Noong malamig na pinatay ko rin sya and hinayaan na doon sya sa railings nakaharap. I clearly remember na bago ako natulog, binunot ko sya sa saksak kasi ayun ang laging paalala ni mama. I woke up exactly 2:30am kanina kasi nasi-cr ako, and nagtataka din ako kasi bakit sobrang lamig na. Nagulat ako kasi bukas yung electric fan ko. Nakasaksak sya at number 3 pa. Nakaharap na din sya at naka steady pa sa akin. Kaya pala lamig na lamig ako.

I'm not saying na this is paranormal agad kasi I'm also considering the fact na baka ako talaga ang nagbukas non at pinaharap ko sa akin at hindi ko lang sya matandaan. The reason kung bakit ko sya iniisip na paranormal ay dahil I had this experience before. Binunot ko rin ang saksak ng electric fan ko before, I even put the wire sa ibabaw, pero narinig ko syang umandar noong nasa baba na ako. Another one reason is because, back in November, I feel like nasundan ako ng something. It was another story to tell, pero it was during my ojt na naka-encounter kami ng mga friends ko ng something eerie sa place na nilipatan namin. Nang makauwi kami dito sa province namin, that's when I started to feel something dito sa bahay namin.

reddit.com
u/chamisirene — 8 hours ago