Gown na Itim
Gradeschool pa lang ako neto at may groupings kami. Pumunta kami sa bahay ng classmate ko para gumawa ng activity.
First time namin sa bahay nila. Pag-upo ko sa couch nila, napatingin ako agad sa hagdan nila pataas. Kasi may umakyat na naka-itim na gown. As in mahabang damit. E d tinanong ko sa classmate kung sino yun para kako batiin namin ng magandang araw.
Tinanong ako agad ng classmate ko kung anong itsura ng nakita ko. Sabi ko nga, mahabang gown na kulay itim. Bigla nyang pinakitang tumataas yung balahibo nya sa arms nya.
Yun daw kasi yung nakikitang multo sa bahay nila. Tapos tuwing madaling araw daw, palaging kinakalansing yung mga sandok at kubyertos nila hanggang sa magising sila.