MCA Wala ako ambisyon sa buhay... and I'm okay with that.
30m here. Single for a while by choice. Di worth it yung sakit sa ulo.
Anyways, wala ako gusto ipursue or to make my life richer. May sarili akong place, I have two dogs that make me happy, my job pays above average which is more than enough for me. Ayoko rin ng kotse, since mag-isa lang ako most of the time at frankly kabisado ko lahat ng ruta ng jeep from Fairview to Taguig. Luho ko dati is sneakers but I've grown out of it. No major need din to keep myself updated sa certain gadgets and games. Gumagana pa naman phone ko at pc ko na binuo ko nuong 2020 lol.
For a while, I felt like may kulang sa buhay ko. I tried a bunch of hobbies, pero volunteering yung nagstick sakin. It's something I do on the weekends after work. We prepare dinner for the homeless during Saturdays and Sundays. I've been doing this since 2024. Hindi ko maenjoy mag-mall, gala, beach, out of town, abroad etc. Part of this is because since bata pa ako, andami ko na experience dyan. Grew out of it rin siguro. Etong volunteering lang talaga yung feeling kong may pinatutunguhan ginagawa ko.
Anyways, during my time nga dyan, I realized something. Medyo matagal na ako dyan, so medyo closs na rin kami ng head namin. Charismatic, may wild takes sa buhay (di naman nya pinipilit mag agree kami dun), pero all in all I think he's a good guy. Pansin ko, andami ng nagdodonate sa kanya. Be it canned food, vegetables, rice, packing materials, cash, etc. Ganun pa nman, may times din na wala or may kulang so naglalabas sya ng pera from his pocket. Nag suggest ako sa kanya dati to stretch out the donations para siguradong di kami magipit.
He told me na ayaw nya gawin yun, kasi para yun sa tao. He always goes all out kapag nagpapakain. If malaki budget, dinadala namin yung mga tao sa fast food. Or mas masarap minsan ulam nila. He told me na ayaw nya matempt na mangupit dun, kaya sinasagad nya reasonably. At tsaka, komportable naman daw sya sa buhay nya at kuntento.
Tangina. Nag resonate sakin yun. Komportable rin ako. Lahat ng pangangailangan ko, nasasagot ko na hindi kailangan ng tulong. Di ako mayaman para magdonate, pero marami akong oras na hawak para igugol doon. Ever since, nagkaroon ng onting kapayapaan yung dibdib ko. Hindi ko gusto yumaman. Hopefully, okay lang yun.