MCA mag pablood test kayo if nagpapa PRP facial kayo o pumupunta kayo sa aesthetic clinic
Hindi porket nasa mall safe ang aesthetic clinic. I went to aethetic clinic last 2024. Nagpavampire facial ako at Co2 fractional laser. Early 2025 i have this symptoms na nangangati ung balat ko, naging mabula ang ihi ko, wala akong ganang kumain hangang sa nanilaw ako at nanghina. Ang daming diagnosis sa akin at ang naging sakit ko ay Hepatitis B.
Itong sakit na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng dugo. Kapag contaminated ung equipment or unprotected sex. Nung nalaman ko na nag positive ako I informed my partner to do hepa B testing baka meron din sya pero to my surprise negative sya (buti nalang) at never naman ako nag unprotected.
Ang naging case ko ay acute so ibigsabihin recent lang. Late ko na narealise na nagpa PRP treatment ako sa isang aesthetic clinic. Mali ko lang kasi may mga red flags na ako na nakita pero tinuloy ko pa din. Ano ung mga red flags:
- yung pinaglagyan ng dugo ko ay walang label.
- hindi binuksan yung karayom sa harap ko so wLa akong idea if bago ba.
- mukang katulong o kung saan lang nahatak yung gumawa sa akin ng procedure.
- mukang walang board certified dermatologist sa clinic.
I don’t have proof na dito sa clinic ko nakuha pero there’s a huge probability na dito knowing the redflags.
So this is a lesson sa akin. Luckily gumaling ako.