u/missuse00

MCA Mahirap magmahal ng syota ng iba

May gusto ako sa kawork ko, pero may long term gf sya. Hindi ko naman intention na ma-fall sakanya pero wala eh, hindi talaga napipigilan ang feelings. Araw araw kaming magkasama, magkausap, malalim na yung pagkakaintindihan namin, at kabisado narin namin ang isa't isa.Vocal siya na attached na sya sakin, hindi nya daw kaya pag umalis nako or mawalan na kami ng contact, pero ako hindi ko sinasabi na i feel the same kasi ayokong makasakit ng ibang tao so hindi ako nagpapakita ng motibo sakanya. May time na muntik na silang magbreak ng jowa nya kasi wala na daw spark yung relationship nila, para nalang silang mag boardmate pero after that nagkabalikan parin, ngayon nag oopen up ulit sya na tinatry nalang nya na magwork yung relationship nila kasi close na sya sa family at ayaw pa siya bitawan nung girl, ayaw naman daw nya na siya yung makipag break, dahil feeling daw nya wala siyang karapatan dahil siya yung pumasok sa buhay ni girl so kung mag break sila gusto nya si gf nya ang unang makipag break.

Mahal ko na siya, pero as much as i can iniiwasan ko talagang mapansin nya na may feelings din ako, kahit ang dami niyang dinodrop na hints, hindi ko ineentertain kasi may gf nga sya at ayokong makasakit ng iba. Kaya lagi ko nalang hinihiling na if hindi talaga sya para sakin, alisin nalang siya sa buhay ko, at sana matutunan ko nalang siyang i-unlove.

reddit.com
u/missuse00 — 3 days ago