MCA natatawa ako sa mga dati kong kasamang teachers
Way back, teacher ako years ago. Nagturo ako sa senior high for two years. Yung recent na KMJS episode about teachers na baon sa utang, at yung mga nababalitang hinaing ng mga teachers? Shine-share siya ng mga naging katrabaho ko.
Way back, nung nagtuturo ako. Nag-vent out ako tungkol sa ganoong setup. Kung bakit may bond ang mga teachers, bakit abonado, etc. etc. Ang sagot lang nila sa akin? "Ginusto mo iyon," ininvalidate pa ako, at tinawag pang reklamador. Sinabihan pa nga akong, "bakit hindi ka na lang magresign?" Tinotoo ko naman, kaya tig-isang taon lang ako sa dalawang private school na pinagturuan ko.
Nagkasanga-sanga kami ng landas, nag-corporate ako ng ilang taon at ngayon, consultancy arrangement at part-time college lecturer ako. Sila, the usual, nag-public school after a few years sa private. Ngayon, sila na ang may ganyang hinaing, abono, mapang-aping mga sistema, etc. Shine-share sa Facebook. Natatawa na lang ako sa kanila. Gusto kong ibalik yung pinagsasasabi nila sakin.
K-al na kung k-al. Schadenfreude, ika nga.