MCA hindi ko alam ano mararamdaman ko na tuwing natigil usapan namin ng dalawang araw, may isa samin nagchachat.
May kaibigan (M29) ako (F29) Sa loob ng apat na taon, napapansin ko na palagi kaming magkausap. Tsismisan lang sa mga iba naming kaibigan, mga ganap na kakaiba, etc. Wholesome lang. Walang landi na “kumain ka na po” “tulog ka na po”. Edi pag nakatulog, nakatulog. Walang “good morning po”. Alam ko rin may mga iba pa siyang babaeng malapit sakanya. Di ko lang alam kung ganito rin sila.
Kaya lang may jowa siya. Di ko alam kung alam ng jowa niya. Kayo ba? May ganito rin ba kayong kaibigan?
u/Alternative-Cost-914 — 1 day ago