
parang mali pa rin tingin ng iba?
Parang itong sunset lang.
Sobrang ganda niya sa personal. Tahimik. Warm. Nakakapagpahinga ng isip. Pero dahil sa dami ng kable at harang, parang hindi mo ma-appreciate nang buo.
Minsan ganun din tayo no?
Kahit anong effort mo maging mabuti
Kahit anong ayos mo ng intensyon mo
May makikita at makikita pa ring mali yung iba.
Kapag tumulong ka, may sasabihin.
Kapag nanahimik ka, may issue pa rin.
Kapag nag-effort ka, parang kulang.
Kapag napagod ka, ikaw pa masama.
Nakakapagod minsan maging understanding sa mundo na parang laging naghahanap ng mali sayo.
Pero siguro tulad ng sunset… hindi nababawasan yung ganda niya dahil lang maraming harang sa paligid.
Baka hindi lang talaga lahat marunong tumingin beyond the wires.