
Actions to take sa budol na salon?
Ipapaback job ko yung hair ko tomorrow, and gusto ko lang prepared ako sa anong pwedeng gawin in case maging unprofessional sila. LONG POST AHEAD.
Context: Last sunday nagpa salon ako since may aattendan akong event sa Thursday. Itong salon na to, they’ve been offering 999 promos since last year pa. Pero bilang wala nang tiwala sa mga budol na to, nag ready pa rin ako ng 2k budget max. So ang goal is: light brown hair (cool toned / ashy) at volume rebond. Hair length is pantay sa chest o hahaba lang ng konti sa balikat.
Then pag dating ko ng salon, sinabi ko preferences ko, and tama nga ako, lumagpas ng 999 na naka paskil at sinabi nya via chat. So yung rebond + color (forgot if may treatment), 1700 na, which is okay lang kasi pasok sa budget ko. Nung okay na yung usapan, bigla sya nag offer ng hyperbooster package daw nila for 4k+ according to him/her, mas maachieve daw dun yung light brown color na gusto ko and rebond at the same time, kasi technically, hindi mag bbleach. Sabi ko “ahh okay, hindi, yung isa nalang” BTW, second attempt nya na yan, nung una, I made it clear na HINDI pasok sa budget ko.
Then after ako banlawan, naririnig ko nag uusap sila nung parlorista nya tas may narinig akong “hyperbooster” so I made it clear sa kanila “hindi po yung 4k package ah, yung naunang sinabi ko na 1700 ang kukunin ko”. Sabay sabi “HALAA mamm natimpla na po eh 🥴” I replied “hala e pano yan hindi na yan pasok sa budget ko. Sinabi ko naman na yung isa kukunin ko kanina” sabay sabi ng “sige po mam 3500 nalang sayang oo e natimpla ko na po”. So pumayag na ko. Why? Sa isip ko kung maachieve ko naman yung goal kung kulay hindi ko na rin pag sisisihan yan, lalo insecurity ko buhok ko, kung maaachieve ang gusto ko sige okay lang. Buti nalang kamo, may extra ako non.
During ginagawa, naging sugurista ako, naka ilang tanong din ako ng ano magiging result, procedure, etc. para malinaw ang expectation ko. Pero itong mga tanginang to, literal na SCAMMER. Lahat inoohan. “Kaya po tong color na ‘to?” “Oo kaya yan”, “parang di po pantay yung pagka light (nung nasa hyperbooster process na kami)” sagot nya “ay hindi magagawan paraan yan, ilang years na rin ako sa salon” taray confident si ate. 😂 Pero same ng amount yung pinahid sa roots at the rest ng hair, same din ng tagal ng babad. Diba dapat mas less sa roots kasi virgin hair yon ti? 🥴 Kaloka hahaha
Nung natapos, shuta mas light sa ibabaw so tama nga ako, yellowish pa! Why hindi ko sinita agad? Iba ilaw sa loob! Pero halata na hindi pantay so medyo nag iiba na mukha ko. Out of pagod (since 9 hours din ako sa salon) I decided na umuwi muna at iassess pag naka rest na ko since babalik pa naman. At girl, pag uwi ko, ang daming nakapuna na ang chaka daw 😂 sulit ang 3500 sa pag papapanget ko.
Ang ending, muka kong araw dun sa teletubbies! So bukas sakto pinapabalik ako kasi ittreatment pa daw to, after care ata. Sinakto ko na sinabi na ipapaback job ko, at dun ko na sa gay owner ipapaayos (kung marunong rin sya, lol)
Yun lang, lol, never again. If papa parlor man ako, dun na uli sa JM ba yun, yung tiktoker. Pag ipunan ko nalang ng ilang taon kaysa ganito hahaha.
PS. Hindi to para maging unfair sa price ha, alam kong mahal na bilihin ngayon. It’s about pang bubudol. Yung tipong cheaper gusto ni customer mo pero very confident ka mag offer ng premium kineme tas di mo naman pala maachieve? Sana nag stick tayo sa 1700 tih, less pressure pa sayo.
BTW, totoong photo ko yang nasa pic naka zoom lang hehe.