u/SeasonalProspect

Die Just A Little

Die Just A Little

Sa ganitong edad, kailangan magpatuloy na mabuhay kahit pa para kang araw-araw pinapatay sa sakit ng mga sugat na hindi napaghihilom ng gamot.

u/SeasonalProspect — 2 days ago
▲ 3 r/opm+1 crossposts

Bihag by Never The Strangers

Lilimutin na kita, salamat sa alaala...

u/SeasonalProspect — 3 days ago

Umuwing Masaya, Matutulog Na Malungkot

Galing kami sa gig ng Kuya ko kanina. Pagdating dito sa inuupahan kong kwarto malapit sa trabaho, nag-check ako ng mga pics at video. Balak ko sana mag-upload sa FB ng ilang files ng may makita ako sa news feed ko.

Naka-tag sa isang post ang Mama ng ex ko gamit ang account niya na akala ko ay na-block ko na. Siguro magmumukha akong bitter, pero kung makakatulong sa pag-heal ko, bakit hindi? Ibang account pala ni Ex ang naka-block sa akin at ina-update niya sa post ang Mama niya tungkol sa trip niya sa abroad.

Natuwa naman ako no'ng makita siya sa post niya. Kahit naman noon ay masaya ako sa lahat ng achievement niya, maliit man o malaki lalo't saksi ako sa paglalakbay niya simula noong estudyante pa lang siya. Suportado ko rin siya sa mga desisyon niya sa buhay. Sa hindi malamang dahilan, ni-click ko ang account niya at nakita ko amg "add friend" button. Ibig sabihin, in-unfriend niya lang ako dahil luma ang account na gamit niya sa post.

Nag-scroll down ako at nakita ang ilang public post na naka-pin. Tungkol sa lalakeng sumira sa pangarap ng isang babae, tungkol sa hiling niya na sana makahanap siya ng lalakeng hindi siya itatrato ng 'bare minimum' at kung anu-ano pa na hindi ko na binasa at hinanap na lang ang block button.

Ang sakit, basta masakit. Na para bang ang sama at napakawalang kwenta kong lalake. Malayo sa dati niyang ipinakita, ipinaramdam at laging sinasabi. Aminado naman ako na marami akong pagkukulang dahil akala ko ok kami, kapag tinatanong ko siya laging ok ang sagot niya kaya naniwala ako. Ang dami na pala niyang iniipon na sama ng loob, ang daming gusto na hindi sinabi kaya hindi ko naibigay, na dapat ay naramdaman ko bilang partner.

Kasalanan ko na hindi ko napantayan 'yung pagmamahal na ibinibigay mo. Akala ko sapat na lahat 'yung effort na ginagawa ko, akala ko sapat na 'yung katapatan na binibigay ko. Akala ko sapat na 'yung laging pinapatunayan 'yung sarili ko sa'yo, sa pamilya mo. Akala ko sapat na lahat ng ginagawa ko para sa'yo, para sa atin dahil 'yun ang sabi mo. Akala ko sapat na ako para sa'yo.

Ang alam ko Redditor ka rin, kung nababasa mo man ito, sana i-block mo na ako. Sana hindi na tayo magkita ulit para matahimik na tayo pareho. Gusto kitang maalala sa masayang paraan, kung paano mo ako pinasaya sa nakaraan. Kahit pa magdadalawang taon na tayong hiwalay, nasasaktan pa rin ako. Dahil pagdating sa'yo, lagi akong apektado.

Umuwi akong masaya, matutulog akong malungkot. Hindi naman biro ang halos siyam na taong pinagsamahan na natapos lang nang biglaan dahil sa pagkukulang na hindi ko namalayan, na pwede ko naman subukan punuan pero hindi mo na ako pinagbigyan.

Mahal na mahal kita. Patawad sa lahat ng kasalanan at pagkukulang, salamat sa lahat ng masasayang pinagsamahan at paalam sa mga pangarap at pangakong hindi na nabigyang katuparan. Patuloy ka sana maging masaya sa buhay at lalo pa magtagumpay, at sana hindi na tayo magkita kahit kailan.

Mag-isa lang ako ngayon at walang makausap. Gusto ko lang mailabas ito bago pumikit. Mas ok rin kung hindi na muling didilat.

reddit.com
u/SeasonalProspect — 5 days ago
▲ 45 r/opm+2 crossposts

First Time Ko Mapanood ng Live Si Johnoy Danao

Ngayon ko lang napanood ng live si Johnoy Danao. Ang awkward lang na tumutugtog siya ng mga awit pang-harana at pang-inlab habang napapaligiran ng mga couple na sweet na sweet sa isa't-isa tapos ako nanonood mag-isa. Mapapa "sana all" ka na lang talaga. 😭

u/SeasonalProspect — 5 days ago

Ped Xing (Dagli)

"Bes, dito na tayo tumawid. Mas mabilis dito!"

"Ha? Teka, 'wag, delikado diyan! Do'n na lang tayo sa footbride,"

"Ano ka ba? Anim na minuto na lang late na tayo. Kung aakyat pa tayo do'n ay kulukulangin na tayo sa oras!"

Agad niyang hinatak ang kasama sa kalsada kung saan humaharurot ang mga sasakyan at matagumpay nakatawid ang magkaibiganー sa kabilang buhay.

reddit.com
u/SeasonalProspect — 18 days ago