r/panitikan

Ped Xing (Dagli)

"Bes, dito na tayo tumawid. Mas mabilis dito!"

"Ha? Teka, 'wag, delikado diyan! Do'n na lang tayo sa footbride,"

"Ano ka ba? Anim na minuto na lang late na tayo. Kung aakyat pa tayo do'n ay kulukulangin na tayo sa oras!"

Agad niyang hinatak ang kasama sa kalsada kung saan humaharurot ang mga sasakyan at matagumpay nakatawid ang magkaibiganー sa kabilang buhay.

reddit.com
u/SeasonalProspect — 18 days ago

Galit ako sa Kapitalismo

Galit ako sa kapitalismo, lalong higit sa bawat kapit at alis mo.

Hindi siguro ako gano'n kadaling bitawan, kung tanging pagmamahal lang ang kailangan.

Hinding-hindi rin siguro hahanapin sa iba ang mga bagay na hindi pa kaya ng aking bulsa.

Kung hindi lamang siguro tayo bunga ng malawakang kapitalismo, at kung hindi rin sa materyal na bagay nakasentro, pag-ibig siguro'y patuloy lang na narito.

Kaya isa lang ang aking napagtanto, ang problema ay hindi tayo, kundi KAPITALISMO.

reddit.com
u/Fun-Cook1628 — 1 month ago