u/LayerHaunting5520

Black Coffee

Hindi ko alam bakit hanggang ngayon, after all these years, sya padin ung pinaka vivid kong memory noong review days ko sa Manila. Hindi naman kami bestfriend technically.

Hindi kami ung type na may pictures together.
Wala kaming inom. Walang gala. Walang “bro roadtrip soon” posts sa Facebook.Actually outside nung dorm room namin, parang di nga kami nageexist sa buhay ng isa’t isa.

Pero hanggang ngayon, feeling ko may utang akong thank you sakanya. Around 2016 to. Fresh graduate ako galing province. Introvert talaga akong tao ever since. Hindi mahilig sa bar. Hindi mahilig sa malaking tropa. Sakto lang. Tahimik lang.Nag Manila ako for review center dahil gusto ng parents ko pumasa ako agad sa boards. Traditional parents. Alam mo ung pressure na hindi naman sila masamang tao pero parang nakataya buong future mo sa exam.Doon ako unang nadepress nang malala.

Hindi dramatic na depression ah. Mas realistic. Ung gigising ka tapos pagod ka agad.
Kakain ka pero wala ka malasahan. Minsan gusto mo nalang umuwi ng probinsya at magpakalayo eh.

anyways, anim kami sa inuupahang bahay noon. Tatlong kwarto.
Dalawang tao bawat room.
Shared ung CR, kusina, dining.

Pero honestly.. halos di ko kilala ung ibang kasama namin. May kanya kanya kaming buhay eh. Casual na batian lang pag nagkakasalubong.

Ung roommate ko lang talaga naka-close ko. Let’s call him Gerard.

Long hair sya noon. Medyo emo ung dating. Hindi OA ah. Ung parang early 2000s F4/rockband style lang. Tahimik din. Chill. Tapos weirdly enough, sobrang nagclick kami agad.

Pareho kaming hindi party people.
Parehong mahilig sa games.
Parehong may dalang gaming laptop sa dorm.

Dota 2 era pa noon.
Peak Dota 2 days.

After Friday review, minsan madaling araw na kami natutulog kakalaro.

Hindi kami maingay.
Hindi kami ung bardagulan type.
More on random usapan habang naglalaro.

Science facts.
Space.
Time dilation.
Mga creepy internet stories.
Mga “what if simulation lang reality” type na discussion.

Minsan nga habang queueing sa game, life advice nalang napaguusapan namin.

At honestly...

sya ata reason bakit di ako tuluyang nasiraan ng ulo noon sa pressure.

Hindi ko alam paano ieexplain pero sobrang kalmado nyang tao.

Parang kahit anong sabihin mong problema, papakinggan nya lang muna tapos saka sya magsasalita.

Hindi motivational quotes or fake positivity BS.. haha

Simple lang.

“Lilipas din yan.”
“Oks lang mapagod.”
“Hindi mo kailangan mafigure out buong buhay mo ngayon.”

Simple lang pero tumatak sakin.

Ang weird nga eh.

Anim kami sa bahay pero parang ung kwarto lang namin ung nageexist sa memory ko.

Hindi ko nga maalala mukha nung ibang boarders.

Pero tandang tanda ko ung ilaw ng laptop nya sa madaling araw.
Ung tunog ng mechanical keyboard nya.
Ung way nya magtimpla ng kape.

Black coffee.
Isang creamer.
No sugar.

Yun lagi.

Hindi din kami halos nakapag hangout outside.

Pag weekend, umuuwi ako province.
Mauuna ako lagi umalis.

Pagbalik ko Sunday night...
andun na sya.

Minsan nauuna syang umuwi sakin so diko na sya nakkita after last day of the week.

At dahil busy kami pareho sa review, di ko na naisip tanungin kung saan ba talaga sya umuuwi.

Normal lang sakin noon.

Fast forward.

Board exam season na.

Halos di na kami natutulog kakaaral.

Pero siya padin ung kalmadong tao sa kwarto.

One time pa nga sobrang burnt out ko na, sabi ko gusto ko nalang mawala.

Hindi sya nagreact dramatically.

Nagsend lang sya ng party invite sa Dota.

Tapos sabi nya,

“Isang game lang bro bago ka sumuko.”

Ang corny pakinggan pero pota gumaan pakiramdam ko noon.

Eventually natapos reviews.
Board exams came.

Nakapasa ako. at last! binalita ko agad sa fam ko.

Isa un sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Ang plano talaga namin after exams, mag roadtrip daw kami. Itotour ko sya sa Tagaytay. Sabi ko libre ko na gas at pagkain.

Tumawa pa sya noon.

“Basta may kape.”

After last day ng exams, umuwi muna ako province for a few days.

Pagbalik ko sa dorm para kunin gamit ko... sobrang excited ko para ibalita kay Gerard na nakapasa ako at gusto ko syang tanungin sa results ng board nya...

kaso wala na sya don.

Wala ung laptop.
Wala damit.
Wala gamit.

Ung kama sa kabilang side ng room...

dun ko lang napansin na parang matagal nang walang gumagamit.

Ung mattress nakaangat.
Malinis.
Walang dents.
Walang kahit anong personal items.

Nagulat ako kasi parang sobrang bilis naman nya umalis.

Tinanong ko ung may ari habang nagbabayad ako.

Sabi nya may lilipat na daw na bagong tenants. BPO employees naman daw.

Tapos casually kong tinanong,

“Kelan po nakaalis roommate ko?”

Nagtaka sya.

“Anong roommate?”

“Sila Gerard po.”

Tahimik lang sya saglit.

Tapos sabi nya,

“Limang boarders lang naman kayo dito.”

Ngumiti nalang ako awkwardly.

Akala ko nalilito lang sya o whatever..

Hindi ko na pinalaki.

Pero habang nagiimpake ako...

dun na nagsimula ung weird na pakiramdam.

Wala akong makitang bakas nya.

As in wala.

Walang charger.
Walang leftover small things, tulad ng mga personal items nya. ung tipikal na may kalat at alam mong may tao sa kwarto, pero puro items ko lang andon....
Walang spray.
Walang kahit ano.

Tinext ko sya, pero di ko makita ung conversation namin sa inbox ko. nagmamadali nako mag impake non kaya diko na masyado pang inisip un. baka natabunan o what..

Pagcheck ko ulit later that night...

wala nga talaga ung text thread namin.

Akala ko nadelete ko lang accidentally.

Pero pagsearch ko pangalan nya...

wala.

Steam account ko next kong chineck.

Wala sya friend list.

Dota history / game logs.

Wala din.

Tandang tanda ko IGN(name sa laro) nya eh.

Pero parang never kaming naglaro together.

ung game history ko, ako lang at random teammates sa matchmaking. wala akong nakakamping tulad ng in game name nya / IGN.

Doon ako unang kinilabutan nang totoo.

Unti unti kong naalala at narealize ung mga bagay na di ko napapansin noon.

Never ko sya nakita at nakasamang lumabas ng bahay.

Never ko sya nakitang nasa kusina.

Never ko sya nakitang kausap ung ibang boarders.

Tuwing lalabas ako...
maiiwan sya sa kwarto.

Pagbalik ko...
andon padin sya.

Or andon na sya.

Parang hanggang dun lang sya sa room na yon nageexist.

Years lumipas.....

Professional na ko.
Okay na buhay.
Busy sa work.

Pero minsan naiisip ko padin sya. sinesearch ko talaga sya from time to time sa social media platforms pero walang bakas ng Gerard na kilala ko.

Then after pandemic, may convention ako sa Tagaytay for two weeks.

One night after event, nag late night drive ako papuntang cafe. Hindi Starbucks. Isang overlooking cafe na sikat sa locals.

Tahimik noon. Maulan konti.

Umupo ako sa malayong table overlooking Taal.

Habang nagkakape ako... ng black coffee na may isang hit ng creamer, no sugar, nagaya ko nadin ung timpla nya at un nadin preference ko. matapang pero may hit ng cream at walang tamis na iba...

sa kabilang table, may napansin akong lalaki around 6 or 7 tables away.

Nakapahiga phone nya.

Pag nakita mo, obvious na naglalaro.

At dahil sobrang tagal naming magkasama noon...

kilalang kilala ko ung galaw ng kamay nya pag naglalaro.

Parang nag slow motion utak ko.

Si Gerard.

Or someone na kamukha nya, no hindi kamukha. sya exactly.

Same buhok.
Same posture.
Same facial features.

Natural lang sya doon.

Walang creepy sht o supernatural doppleganger BS.

Maya maya may dumating pang friends nya.

Nagkwentuhan sila.
Tumawa.
Normal.

At ewan ko ba...

bigla akong napaluha.

Kasi pota.

Ayun ung kaibigan kong akala ko hindi totoo.

Ung taong tumulong sakin nung panahong gusto ko nalang sumuko sa buhay.

Andito.

Real.

Or at least...
sana.

May moment na nagtama mata namin.

Ngumiti ako.

Ung smile na parang finally nakita mo ulit ung importanteng tao sayo after sobrang tagal.

Ngumiti din sya pabalik.

Casual lang.

Ung tipong polite smile sa stranger.

Walang recognition.

Walang “pre!”

As in wala.

Parang di nya ko kilala.

At doon ko naramdaman ung pinaka masakit na part.

Hindi takot.

Hindi confusion.

Kundi ung feeling na baka...
hanggang dun lang talaga kami.

Hanggang dun lang sa maliit na kwarto na yon sa Manila.

Bago ako umalis, tinawag ko server.

Umorder ako ng black coffee.

One creamer.
No sugar.

Nagbigay ako maliit na tip.

Sabi ko,

“Pakibigay nalang dun sa naka long hair.”

Walang note.
Walang pangalan.

Papaalis na ko noon nung nakita kong nilapag ung kape sa table nya.

Huminto sya saglit.

Tumingin sa kape.

Tapos ngumiti sya ng konti habang nakatingin sa overlooking view.

Hindi ko na hinintay ano mangyayari next.

Umalis na ko.

Hindi ko na din sya nakita ulit after non.

Hanggang ngayon minsan sinesearch ko pangalan nya.

Facebook.
LinkedIn.
Steam.
Kahit saan.

Wala.

May mga kapangalan.
May malalapit.

Pero hindi sya.

At honestly...

di ko na din alam kung gusto ko pa ba malaman ung totoo.

Baka may dahilan kung bakit nawala nalang sya parang bula. Diko na siguro aalamin pa.

Baka ung friendship namin...
para lang talaga sa panahong kailangan namin ang isa't isa..

So "Gerard"... no, Brandon...

kung totoo ka man,
o kung nasaan ka man ngayon...

salamat, bro.

Ikaw ung dahilan bakit buhay padin ako nung mga panahon na yon.

At sana...

kahit isang beses lang,

nakilala mo din ako tulad ng pagkakakilala ko sayo, kaibigan. sana'y makapag kape ulit tayo sa iisang lamesa.. one last time...

your old friend, J.

reddit.com
u/LayerHaunting5520 — 2 days ago

Pandesal

Hindi ko alam kung anong tawag dito hanggang ngayon.

Hindi naman sya multo. di ako naniniwala don.
Hindi rin panaginip alam mong nangyari pero faint memory. parang memory nung early years ko nung bata ako.

Pero may nangyari sakin around 2022 na minsan naiisip ko padin pag madaling araw.

WFH ako noon sa Australian company. Graveyard shift. Dama na dama ko ung limang araw na trabaho dahil sa sobrang queue at demand. Kahit nasa bahay ka lang technically, hindi mo naman maramdaman na “nasa bahay” ka talaga. Gigising ka, work. Kakain habang naka-login. Matutulog ka nang pagod pero parang di ka naman nakapagpahinga.

To cut the story short, burned out talaga ako noon.

One Monday morning, sobrang drained ko padin kahit nagpahinga naman ako buong weekend. Friday night palang maaga na ko natulog. Halos tulog lang din ako buong Saturday at Sunday. Gusto ko lang magrecharge kahit konti.

Pero alam mo ung feeling na kahit nagpahinga katawan mo, ung utak mo parang ayaw magshutdown?

Ganun.

Nagleave talaga ako noon after weeks ng work work work.

Mga around 5AM siguro, maaga padin ako nagising. Hindi na ko nakatulog ulit.

So nagdrive nalang ako.

Mahilig ako magdrive pag madaling araw lalo pag maulan. Kahit papano nakakaclear ng isip.

Taga Rizal ako.

May shortcut road doon na ginagamit ko minsan pag ayoko dumaan sa main highway. Looban sya. Medyo liblib pero sementado naman.

Nadaanan ko na yon dati.

Normal lang.

That morning, ambon lang. Hindi malakas ulan. Saktong gray lang ung langit na parang di mo alam kung umaga na ba talaga o gabi padin.

Pagpasok ko sa shortcut, may detour.

May arrow pakaliwa.

Nainis pa ko nun kasi sabi ko sa sarili ko, “Tangina naman. Kung kelan umuulan saka nagrroad work.”

Sinundan ko nalang.

After maybe ilang daang metro pagkaliko ko, doon ko napansin na sobrang tahimik.

Hindi ung normal na tahimik.

Yung tahimik na parang walang tao sa buong lugar.

At doon ko lang din napansin na parang may subdivision pala doon sa area na yon.

Which is weird.

Ilang taon na kong dumadaan sa shortcut na yon pero parang never ko naman narinig na may subdivision doon.

Pero sabi ko baka di ko lang napapansin dati.

Hindi naman ako pumapasok sa mga inner roads doon. Dun lang talaga sa usual shortcut route.

Tinuloy ko lang.

Habang umaandar ako, mas lalo kong napansin ung katahimikan.

Walang tindahan.
Walang tricycle.
Walang aso.
Walang nagwawalis.
Walang batang papasok school.

As in wala.

Which is weird kasi around 6AM na dapat may konting buhay na kahit papano.

Pero di ko padin masyado pinansin.

Baka maaga lang talaga.

Then may nadaanan akong basketball court.

May kupas na tarp ng liga.
May multicab na nakapark sa gilid.
At may sirang poste na nagbblink ung ilaw kahit umaga na.

Specific ung details kaya tumatak sakin.

Dere diretso lang ako.

After maybe 2 or 3 minutes, may bakery akong nadaanan.

Bukas sya.

May ilaw sa loob.

At naamoy ko agad ung bagong lutong pandesal kahit sarado bintana ko.

May babae sa counter.

Hindi matanda.
Hindi creepy.
Hindi rin nakatingin sakin.

Actually parang ordinaryong tindera lang na bored sa buhay.

Pero ewan ko ba.

May pakiramdam akong parang may mali sa lugar.

Hindi ko maexplain.

Parang ung utak mo may napapansin na di ma-process nang maayos.

Tinuloy ko lang.

Then after maybe another 2 minutes...

nandun ulit ako sa basketball court.

Same tarp.
Same multicab.
Same blinking na poste.

Napamura ako nang mahina.

Hindi possible eh.

Walang liko.
Walang intersection.
Diretso lang ung daan.

Huminto ako saglit.

Tinignan ko maps.

No signal.

Hindi mahina.

Literal na walang service.

Dun ako kinabahan nang very slight.

Pero kinoconvince ko padin sarili ko na baka puyat lang ako. Baka lutang ako.

Tinuloy ko ulit.

Paglampas ko sa bakery...

nandun padin ung babae.

Same position.

Nakaharap lang sa counter.

Hindi gumagalaw.

Hindi rin nakatingin sakin.

Pero bukas padin ung ilaw.

At naamoy ko nanaman ung pandesal.

Dito na ko bumilis magdrive.

Hindi pa full panic.

Pero enough para gusto ko nang makalabas agad.

After maybe 3 minutes...

basketball court ulit.

Same multicab.

Same tarp.

Same blinking na poste.

Dito ko na talaga naisip na may mali.

Huminto ako sa gilid.

Pinatay ko aircon.

Tahimik.

As in putanginang tahimik.

Doon ko narealize na wala pala talaga akong naririnig buong time.

Walang ulan.
Walang insekto.
Walang hangin.

Parang muted ung buong lugar.

Then may nakita akong lalaki sa malayo.

Naglalakad lang.

Normal na normal.

Naka tsinelas.
Naka shorts.
May dalang supot.

Naisip ko pa, “Salamat may tao din.”

Binabaan ko bintana.

“Boss, saan ung labasan papuntang highway?”

Huminto sya.

Tumingin sakin.

Hindi ko makita mukha nya nang maayos dahil sa nakacap sya......

Tinuro nya lang ung unahan.

“Diretso lang.”

Normal boses.

Walang kakaiba.

Nagthank you ako tapos dumiretso.

Then after maybe less than a minute...

biglang may tumahol na aso.

Then may dumaan na motor.

Then narinig ko ulit ung ulan sa bubong ng kotse ko.

Parang may biglang bumalik na tunog sa mundo.

Pagliko ko sa dulo ng shortcut, may maliit na gas station.

Huminto ako agad kasi nanginginig na kamay ko.

Habang nagpapagas ako, tinanong ako nung attendant kung okay lang daw ba ko kasi maputla raw ako.

Tinry ko ikwento nang pabiro.

Sabi ko parang naligaw ako dun sa shortcut road.

Biglang natahimik sya.

“Sir... saan banda?”

Sinabi ko ung lugar.

Hindi agad sya sumagot.

Tapos sabi nya,

“Dun sa dating relocation area?”

“Saan?”

“Yung binaha nung Ondoy.”

Tumawa pa ko kasi akala ko niloloko ako.

Sabi ko, “Kuya kakadaan ko lang ngayon.”

Hindi sya tumawa.

“Sarado na po yon matagal na.”

Tinuro nya ung likod.

Sa malayo, kita ko ung kalsadang pinanggalingan ko.

May malaking bakal na barrier.

Kalawangin.

May nakaharang na hollow blocks.

At may faded na tarp.

ROAD CLOSED
UNSAFE AREA

Hindi ko na tanda exact wording.

Ang natatandaan ko lang...

habang nakatingin ako dun,

may naamoy akong bagong lutong pandesal nanaman kahit wala namang bakery.

reddit.com
u/LayerHaunting5520 — 3 days ago

ung INC ka na 4Ps ka pa.

ano kaya feeling nun? INC ka tapos ung pnandidirihan mong sanlibutan nagpapalamon sayo? pede bang ung tax ng INC sa kanila lang ding kapatid sa katarantaduhan mapunta lols. nakakabwisit na sa pinas fruit tang juice ina talag

reddit.com
u/LayerHaunting5520 — 14 days ago

ano kaya feeling nun? INC ka tapos ung pnandidirihan mong sanlibutan nagpapakain sayo? pede bang ung tax ng INC sa kanila lang din lols. nakakabwisit na sa pinas fruit tang juice ina talaga

reddit.com
u/LayerHaunting5520 — 14 days ago