Wala akong pangarap sa buhay
Hello po mga ate at kuya, gusto ko lang maglabas ng thoughts. Incoming G12 napo ako ngayong pasukan and still, sobrang wala po akong idea sa kung anong pathway ba ang kukunin ko. Growing up, wala naman po talaga akong dream job or dream profession. Simula bata pa ako kapag tinatanong ako kung ano ba yung pangarap ko sa buhay wala ako laging nasasagot haha. Kasi wala talaga e, hindi ko nakikita yung sarili ko sa trabaho na talagang gustong gusto ko kasi simula’t sapul wala akong career aspirations. Natatakot po ako na baka pag kumuha ako ng course sobrang mahihirapan ako kasi wala akong motivation na ipagpatuloy yun. May mga hobby naman po ako like drawing/painting and writing pero I can’t see myself doing those things in the long run. Sobrang torn ko po talaga. May nababasa po kasi ako na mas madali ang college kung gusto mo yung course mo :( STEM po ako rn, kasi sabi mas malawak ang sakop ng strand nato. Nakikita ko po yung sarili ko in professional fields pero di ko alam anong field HAHAHA. Please help me kung paano ko ba madidiscover yung spark or drive na sinasabi nila, basta kasi ang alam ko gusto ko lang pong maging successful at mayaman HAHAHA. Thank you p