u/Failure_Hooman56

Hi po! Baka meron po kayong ma-offer na part-time job. Since yesterday pa po ako naghahanap pero until now wala pa rin po akong nahahanap.

Graduate po ako ng engineering, and willing po akong gumawa ng kahit anong work like data analysis, house cleaning, running errands, or any tasks na kailangan niyo. Super willing po talaga ako mag-work.

May scheduled interview po ako bukas sa isang company around LIMA, pero wala po talaga akong pamasahe right now. Kaya nagbabakasakali po ako na makahanap muna ng sideline.

Thank youuuu

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 9 days ago

Alam kong mali ko din naman na magpost para maghanap ng part-time/full-time job dito or humingi ng advice. Pero sumobra naman na ata yung trip ng iba na magmemessage, mangangamusta, ganito ganyan, tapos pag nireplyan kung anong kalaswaan lang sasabihin/itatanong. Nagsisikap yung tao na makahanap ng trabaho para makasurvive pagtitripan nyo pa 🫠 Sorry, pero halang ba kaluluwa nyo?

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 10 days ago

Hi, I’m an engineering graduate and currently planning to apply muna sa TTEC Lipa for the meantime. I recently resigned from my previous job. Ask ko lang if they accept applicants kahit walang BPO experience? And ano yung mga dapat i-expect sa hiring process? Thank you!

Baka may gusto rin sumabay 😊

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 11 days ago

Problem/Goal: Kahit anong gawin ko hindi pa din ako makahanap/magkaroon ng trabaho. Gusto kong maka earn ng money to survive. Sobrang nagsastruggle ako financially at aminado akong mahirap.

Context: Last time nakakita ako ng part time, ginawa ko yung trabaho for almost a week dahil sobrang dami. Ang ending, binayaran lang nya ako ng maliit na halaga. Still grateful na rin at tinanggap kung ano yung binigay na amount dahil kailangan ko.

May mga nagmessage sa akin para magoffer ng job, pero di ko kaya yung karamihan sa offer, which is katawan ko, kapalit ng pera. Mayroon pang magsend daw ako ng used undies kapalit ng pera. Hindi kaya ng konsensya ko. Don't get me wrong ah I am not against sa mga 6ex workers. Hindi ko lang talaga kaya.

Gustong gusto kong nagkaroon ng pera sa malinis na paraan. Ayaw kong sa huli may pagsisihan ako. Aminado akong sobrang kailangan ko talaga, but please wag sa mga ganitong paraan. Trabaho ang hanap ko, hindi bagong sakit sa ulo.

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 11 days ago

Kahit anong gawin ko hindi pa din ako makahanap/magkaroon ng trabaho. Gusto kong maka earn ng money to survive. Sobrang nagsastruggle ako financially at aminado akong mahirap.

Last time nakakita ako ng part time, ginawa ko yung trabaho for almost a week dahil sobrang dami. Ang ending, binayaran lang nya ako ng maliit na halaga. Still grateful na rin at tinanggap kung ano yung binigay na amount dahil kailangan ko.

May mga nagmessage sa akin para magoffer ng job, pero di ko kaya yung karamihan sa offer, which is katawan ko, kapalit ng pera. Mayroon pang magsend daw ako ng used undies kapalit ng pera. Hindi kaya ng konsensya ko. Don't get me wrong ah I am not against sa mga 6ex workers. Hindi ko lang talaga kaya.

Gustong gusto kong nagkaroon ng pera sa malinis na paraan. Ayaw kong sa huli may pagsisihan ako. Aminado akong sobrang kailangan ko talaga, but please wag sa mga ganitong paraan. Trabaho ang hanap ko, hindi bagong sakit sa ulo.

Puro online lang din madalas yung apply ko kasi sa maniwala man kayo o sa hindi kailangan na kailangan kong magtipid.

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 11 days ago

Hi, ako yung nagpost about sa tatlong libo kapalit ng buo kong pagkatao. Hindi naman ako against sa mga s3x workers or kung anuman. Pero kasi naghahanap ako ng work para mabayadan yung friend ko sa 3k na utang ko, kasi ginigipit nya talaga ako but puro indecent offer yung natatanggap ko. Gipit na gipit nga yung tao at namomroblema, problema din yung natatanggap kong offer 🥲 Naiintindihan ko naman na hindi ako mapapakain at magkakapera sa pride at pagtanggi ko sa ganoong offer. Pero kasi prinsipyo at respeto na lang sa sarili ang meron, hahayaan ko pa bang mawala na din?

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 15 days ago

Gusto ko lang mag-share. Nagkaroon ako ng utang sa kaibigan ko.

Nahospital ako at nanghiram ako ng pera sa friend ko. After kong ma-hospital, nawalan pa ako ng trabaho. I became very sick and weak, and incapable of working.

Sa madaling salita, na-delay ang bayad ko, kaya agad akong humingi ng pasensya at ipinaliwanag ang sitwasyon ko. Naiintindihan naman daw niya. Regular akong nagbibigay ng updates.

Nalaman ko na lang kumalat na sa previous work ko yung about sa utang ko. Nakita ko na ang dami na pala niyang posts tungkol sa akin. Everyone became so distant. Dumating na din sa point na almost everyday na akong gumigising na halos puro mura ang message sa akin. Okay lang naman yun sakin, ako yung may atraso e. Wala akong karapatan magalit. Hanggang sa dumating na sa point na pati yung parents ko sinusumpa niya, na sana mamatay daw sa aksidente o sa kung anong krimen, dahil hindi ako agad nakabayad ng utang.

Responsive ako at consistent sa pagbigay ng updates. Hindi ko rin inakala na aabot sa ganitong point. Consequences ito ng actions ko.

Patuloy pa din ako sa paghahanap ng trabaho at part time jobs. Gusto ko sanang ma-save yung samahan namin, na nasira ko dahil sa utang at isave yung sarili ko din sa kahihiyan.

** PLS if may maaalok kayo na part time, if need nyo ng help or kung anuman, basta po hindi indecent offer I am willing to do it. Gusto ko na lang talaga matapos lahat ng ito. Sobrang desperada na ako to earn money.

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 16 days ago

Lately, dumadalas ang naeexperience ko na may sumasakal sa akin tuwing madaling araw or hating gabi. Noong una, itim na usok lamang sya pero habang tumatagal lumalala na din yung pagsakal nya sa akin at dumating na din sa point na nahahawakan ko na din sya. One time, dumampi na din sa braso ko ang mahahaba nyang kuko, akala ko guni guni ko lang pero pagbangon ko mayroon na akong mahahabang kalmot sa braso.

Tapos nakita ako ng isa kong kakilala sinabi nyang parang may mali daw sa akin? Sobrang laking pagbabago daw ng itsura ko, halos di na daw nya ako marecognize dahil tumanda yung istura ko compared sa noong nakita nya ako noong nakaraan.

May nagadvice sa akin dito na magpunta sa simbahan to confess at magpapray over. May nagsabi din na possible daw may nakaaway ako at malaki yung galit sakin? Iniisip ko wala naman akong nakakaaway. Nabobother na din ang pinsan ko sa sitwasyon ko kaya pinayuhan na din nya akong pumunta sa faith healer. Kasi sinubukan daw nya isend sa isa nyang kakilalang manggagamot ang picture ko at nabigla daw ito at sinabing magpunta na ako sa simbahan.

reddit.com
u/Failure_Hooman56 — 17 days ago