u/Certain-Hat4781

28 [M4F] Searching for Connection

Sige na, hindi ko na lolokohin ang sarili ko. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko na kesyo okay naman mag-isa or mas convenient ang single or mas tahimik ang buhay kapag walang nangungulit na partner. Hindi ko na rin bobolahin ang mga friends ko na kino comment-an ko na lang ng 'I am happy for you two' or 'sana maging masaya kayo' sa mga feel good posts nila with their plus ones. I've been a ghost for 28 years already, never did I pursue someone or commit to any serious relationship, I guess...its time to face my own ghost, look him in the eye and admit to myself than I am yearning for connection. Wala akong maipagmamalaki to be honest, I mean wala akong long term na plano sa buhay, I just live in the moment and let my future self handle my future problems. Sahod ko ay sapat lang para sa bills, hindi ako matangkad, face card ko ay, alam mo yun? yung hindi nagi-stand out? yung itsura na madaling makalimutan, most of the time ay mukha akong dumb looking na person. Naglalaro ako ng valo at ML pero kadalasan talo, nagbi-bike din ako pero yung mga malapit lang, jogging and walking paminsan, marunong akong magluto (pag wala na akong choice) and recently ay nahilig ako mag hiking. I play very basic guitar and keyboard. I am an agnostic...I know..I know...alam ko na iniisip mo pero its fine, I respect your opinion. I chose to highlight yung mga un-attractive or yung mga less appealing traits ko. I don't know if that's smart but I would be happy if someone out there saw my 'less appealing and un-attractive traits' to be actually....interesting. That way malalaman ko na hindi lang looks and aura ang habol nya. I am planting this seedling here.. If it sprouts, let's grow the seedling together. If not, well, at least we tried.

reddit.com
u/Certain-Hat4781 — 6 days ago

Hi, may mga nage- ML ba dito? Tara maglaro. lets be friends na rin haha 😂 Hindi ako sobrang competitive na player, naglalaro lang ako pampalipas oras, oks lang kahit puro talo haha

reddit.com
u/Certain-Hat4781 — 8 days ago
▲ 104 r/Trentahin

Bakit ba hindi ko agad naisip dati? Masaya pala umakyat ng bundok. Or siguro eto yung mga hobbies na mas maa-appreciate mo kapag nasa late 20s ka na. Ganun ata pag malapit na mag trentahin haha, nature nature trip na lang. Pero okay na rin, cardio din to at leg training na rin. Wala pa naman ako nararamdaman na sakit sakit sa katawan at may mga tito tita rin na umaakyat, kaya tingin ko its not too late na umakyat pa ng mas matataas kesa dito. Pang dalawa ko pa lang na bundok to haha 😂😂

u/Certain-Hat4781 — 9 days ago

May mga nagbi bike ba dito? Kakaumpisa ko pa lang Kase kaya di Ako makasabay dun sa mga malalakas mag bike 😆😂. Ang pinakamalayo ko pa lang na narating ay Balete at Padre Pio, tapos mostly ay ikot ikot lang Ako sa lipa.

reddit.com
u/Certain-Hat4781 — 10 days ago

Weird ba kapag ang naiisip mo na setup ay yung ganito? Yung diretso magjowa na kaagad na wala ng ligoy ligoy pa tapos pag nag work edi okay pag hindi edi goodbye. Parang 90 day trial na itra-try nyo yung life na mag jowa kayo tas pag dating ng 90th day i-ask nyo sarili nyo na i extend ba natin yung 90 days? or cancel subscription na? No pressure, no label, just doing things na trip nyong dalawa. Parang kalokohan lang no? pero yun lang nai-imagine ko na way na pumasok ako sa isang relationship, ayoko ko kase ng drama at yung traditional na ligaw ligaw pa-impress pa-impress ganan na para bang binebenta mo sarili mo haha. Anyways, naisip ko lang since ako ay hindi talaga into dating. May mga times na nakaka inggit kase yung iba may special someone pero minsan naman naiisip ko buti na lang wala akong gf para marami akong oras, hindi ako masyado gagastos, lesser chance of getting rejected etc.

reddit.com
u/Certain-Hat4781 — 10 days ago