Working in Singapore
Hi! Currently new in Singapore working as Quantity Surveyor. I have 1 yr and 8 months experience as site engineer and first time ko po mag work as QS. Problem is sadya po bang naninigaw at nanghahampas ng table ang mga supervisor na Singaporean. For almost 3 months of job hunting is sila lang po yung nag offer sakin and to stay here in sg kinuha ko na po yung opportunity.
Di ko alam kung mahina ba ang loob ko or talaga super toxic lang nitong supervisor ko. Dalawa lang kami sa office and on my first day and second day sinigawan niya agad ako kasi di ko agad naperfect yung pinapagawa niya at naiiyamot siya sakin pagnagtatanong ako. Di ko alam kung tatagal ako dito ng buwan or baka linggo. Di ko din masabi sa parents ko sa pinas since ayaw ko silang mag worry. Hays gusto ko ng magresign pero wala pa din malilipatan.