Free German language
PLEASE HELP... fresh grad po ako and may partnership po yung school namin sa isang agency. no bedside experience needed. They offered to fund our training sa German language (9 mos), need lang i-pass lahat ng exam hanggang B2. Need lang mag pay if retake na sa exam na fail or pay all if backout sa training. Once naka pass sa B2, process na lahat ng documents and lipad agad.
if nandoon na, 6 mos daw po kaming nursing aid or until naka pass na sa exam para sa license dun. 2 years yung contract. yung salary dinededuct nila sa expenses na gasto nila sa training and no free housing po. around 2k euro daw po yung expected salary.
Yung 1st batch nila, 20 daw yung nag enroll pero 4 lang naka pass sa B2. lilipad na sana sila ngayon but na delay daw yung documents nila kaya standby muna sila. the rest, nag reretake pa daw ng exam.
do you think it's a great opportunity po? I've asked people who worked abroad but not in Germany/Austria and they told me na kawawa ka raw kung wala kang bedside exp and sa abroad pa. and ang sobrang hirap daw talaga yung German language compared sa iba.
pls help me decide po. sayang din po kasi, esp now na nag freeze hiring yung mga hospitals