u/siennaspiro

🔥 Hot ▲ 420 r/OffMyChestPH

gusto ng kapatid ko sakanya yung half ng sahod ko

Hi. Gusto ko lang mag-rant.

yes, tama po yung title.

bigyan ko kayo ng konting background

lumipat ako sa luzon kasi kinuha ako ng sister ko kasi sabi nya siya ang mag shshoulder ng schooling ko, turns out hindi pala totoo. sinabi nya lang yon para magmukhang may kaya sa harap ng iba naming kapatid (may beef sila ng 2nd oldest child)

pinag-aral naman nya ako at nag tapos ako ng senior high, last 2024 ako grumaduate.

after nun, pinagpili nya ako ng program sa college, ang sabi ko gusto ko mag medtech, sabi nya sige. tapos nung malapit na enrollment, sabi nya mag polsci nalang daw ako or psychology which is hindi ko naman gusto.

sabi ko sa kanya di nalang muna ako mag-aaral at mag hahanap ako ng pagakaka-kitaan.

may nahanap akong side hustle nung 2024 at sobrang laki ng kita ko per month (20k lowest, 70k highest) at since then nagse-save ako para ma cover ko yung at least 6 semesters.

tumutulong parin ako sa bahay, nag aabot ako ng pera pag petsa de peligro nila (forgot to mention may LIP siya at may anak sa ibang babae yun LIP nya) nagbibigay ako pang bigas, tubig, gasul, ulam. kahit di naman ako doon kumakain. simula kasi nung di ako nag-aaral lagi niya ako sinasabihan na nagpapalaki lang ako ng katawan, walang kwenta, walang ginagawa.

pero hindi niya nakikita na araw araw akong puyat para magkaroon ng pera para sa future ko. sakin niya nilalabas lahat ng frustrations nya financially. so ayon di na ako kumakain sa bahay, most of the time bumibili lang ako sa kanto or kumakain sa karinderya. gumagawa parin ako ng gawaing bahay.

fast forward, di na gumagana yung side hustle ko, ang lala naman kasi ng economy ngayon, buti nalang may natabi akong pera. nalaman nya na may 340k savings ako, nagalit siya kasi bakit daw parang hindi ako tumutulong sa bahay. (e ako nagbabayad ng kuryente, nagbibigay pang-gas, bumibili ng pagkain ng pets nya) pero parang di niya makita yun.

tapos naghanap ako ng trabaho para may pera parin ako bukod sa savings ko, nalaman nya na 20k sweldo ko, tapos sinabi nya sakin nag-resign sha sa work. sabi nya sakin uutang nalang daw sya sakin ng pera pag may needs sya. nagulantang ako. kasi yung pera ko hindi naman para sa kanya yun, para naman sa future ko. on top of that, gusto niya daw half ng sweldo ko mapunta sa kanya kasi siya daw ang ate.

grabe yung puso ko ang sakit. nag build ako para sa future ko, tapos gagawin lang bangko ng iba.

reddit.com
u/siennaspiro — 15 hours ago

mga compliment fisher/karma farmers sa reddit

RANT LANG!!!

ang daming compliment fishing post at karma farming post sa r/firsttimeko

how do i know? a girl posted her pictures on that subreddit (bikini) and then posted it again on another subreddit. sa instagram nyo nalang ipost lmao mga compliment fisher at karma farmers. namumugad na naman kayo dito sa reddit🤣

reddit.com
u/siennaspiro — 3 days ago