Voter Registration
Good day po!
1st time voter po kasi ako sa 2028 pero wala pa po ako voter’s ID. Mag papa register pa lang po ako sa May 18. Ask ko lang po if yung registration ko po this year, ok na po yun para maka boto ko sa 2028?
Good day po!
1st time voter po kasi ako sa 2028 pero wala pa po ako voter’s ID. Mag papa register pa lang po ako sa May 18. Ask ko lang po if yung registration ko po this year, ok na po yun para maka boto ko sa 2028?
Ask lang po ano pong nangyari bakiy black out po sa complex hanggang Sta Rosa Bayan?
Pa rant lang guys. First of all, introvert po ako and not confrontational. Now na lang ako uli namili sa physical store ng Watsons dahil mas madalas ako mag Lazmall watsons. Pero ilang weeks na down ang Watsons shop sa Lazada kaya no choice ako kundi dumaan kanina after ng hospital duty ko sa physical store.
Pagka pasok ko pa lang sa loob, kinuha ko na yung shopping bag na may “I’m fine to shop on my own”.
Pumunta ko agad sa mga sunscreen. Habang binabasa ko contents nung kinuha kong sunscreen, may attendant (not under watsons ata itong mga to since pink uniform sila) na tumabi sakin, talagang nasa tabi ko na sya na parang mag kakilala kami. Nainis ako, pero di ko pinahalata. Sobrang uncomfortable ko talaga kanina kaya binalik ko na lang yung sunscreen na hawak ko, tapos kinuha ko yung usual na binibili ko. Lumipat ako sa face serum, habang namimili ako ng kukuhain ko, bigla syang sumulpot sa gilid ko nanaman. GUYS, WALANG PERSONAL- PERSONAL space tong tao na to. Talagang tumabi sya sakin at wala pang 4 inches yung pagitan namin tapos pinanonood nya ko pumili.
Sa sobrang inis ko, kinuha ko yung mga hawak kong serum tapos nilagay ko sa basket ko ng padabog. Tinignan ko sya at inirapan sabay lakad papalayo. Pumunta ko sa mga conditioner, this time mukhang nakaramdam sya na imbyerna ko sa ginagawa nya. Sinusundan nya pa din ako pero may space na. Hinayaan ko na sya kasi wala naman kaso sakin yun as long as malayo sya sakin. Nung nakapag bayad na ko at paalis na ng store, nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin nanaman sya sakin, kaya nakipag eye to eye contact na ko. Bigla sya tumalikod at naglakad sa ibang direction.
Ano pang silbi ng shopping bag na “I’m ok to shop on my own” if tatabihan nyo mga customer? Wala pa kayong respeto sa PERSONAL SPACE namin. If tingin nyo mukhang shoplifter yung mga pumapasok sa loob, pwede nyo naman iobserve. Pero wag naman yung didikitan nyo mga tao na parang magkakilala kayo, mas nag mumukha tuloy na kayo may balak mang snatched samin eh.