My “parang pamilya” na kapitbahay turned out to be lowkey hating on us for 3 years 😅
I have this kapitbahay na medyo tinuring na talaga naming pamilya. We moved here sa subdivision back in 2023, tapos nakilala namin siya kasi super magiliw siya sa anak ko. As in gustong gusto siya ng anak ko to the point na minsan ayaw na umuwi samin 😭 Dun kumakain, minsan nakikiligo pa, ganun kami ka-close before.
Bigayan kami ng ulam, pagkain, kwentuhan sa labas hanggang madaling araw pag day off. Kada may ganap kami, automatic kasama sila. Priority talaga namin sila kasi feeling namin genuine yung samahan.
Until nitong February this year, nalaman ko na andami pala niyang sinasabi behind our backs 😅
Every time may bago kaming gamit sa bahay, may comment siya:
Bumili daw kami ng malaking ref pero wala naman daw kaming pang-stock.
Nagpupunta daw kami ng S&R pero wala naman daw binibili.
Bakit pa daw ako bumili ng bagong phone e madami naman na daw akong CP. Nagyayabang lang daw ako.
Nag Starbucks daw kami para magkape at cake lang naman 😭
Bili daw kami nang bili ng gamit e maliit lang naman bahay namin.
Pinag-private school ko daw anak ko tapos nagrereklamo naman ako sa tuition.
Ito pinaka nakakatawa sakin 😭
Birthday ng anak ko nun tapos sinama namin sila kumain sa medyo expensive na restaurant. Tapos ang sinabi niya after, “Palibre libre pa, card lang naman pala pinambayad.” Like… hello?? Cashless na tayo ngayon 😭 Debit card lang gamit ko, wala nga akong credit card 😅
Then bumili kami ng sasakyan. Honestly, akala ko siya pa unang magiging masaya for us. Pero nung dumating yung car, sumilip lang siya tapos pumasok agad sa bahay nila.
Kinabukasan pumunta siya samin tapos sinabi na “ginaya” lang daw ng Toyota Vios namin yung luma nilang Kia 😭 Kesyo yung kanila daw original, yung samin gaya-gaya lang daw. Hindi nalang kami sumagot kasi parang wala nang sense.
Tapos kung anu-ano pa:
Hindi daw namin afford maintenance ng sasakyan.
Iniinggit daw namin siya.
Pa-kotse kotse pa daw kami panghatid sa anak namin e school lang naman.
40 minutes away yung school ng bata 😭 Saan namin isasakay? Hahaha.
One time naman sobrang traffic dito samin kaya motor ginamit namin instead of the car. Ang sabi ba naman, naghihirap na daw kami at wala nang pang-gas dahilan lang daw namin yung traffic ayaw pa daw naming aminin na naghihirap na kame.😭
What hurts more is realizing na habang okay na okay pakikitungo namin sa kanya, parang silently competing or hating na pala siya the whole time.
Hindi ko tuloy alam if kaya ko pa siyang pakisamahan the same way after knowing all this. Parang every achievement namin may negative comment siya.
Inggit ba talaga yung gantong behavior? Or may ibang tawag dito? 😅