u/Radiant-Bass-7153

I'm almost 1 year na at my current work. The reason I stayed? Convenience (super lapit lang sa bahay), environment madali naman pakisamahan mga tao outside work topics, may mga overtime that helps me add a little more sa current salary ko kasi the base pay is not enough sa totoo lang.

Yung problema sa sales? Problema na siya ever since I got here, and until now yun at yun padin. 1 year na ko pero 3 na manager na yung nagdaan. Nakakapagod mag adjust nang mag adjust kasi iba iba sila ng proseso na gusto lahat. Sa toxic ng work at sobrang taas na expectations ng management, sobrang daming umalis (and mga tinanggal). Nakakapagod kasi since ako yung nauna by a few months, ako magsasabi sakanila ng process. Ok lang naman sakin pero I was once new, pero yung paulit ulit na nangyayari? Nakakapagod talaga.

Isang brand lang hawak ko pero parang ako rin lahat ng subdepartments nun. Nakakapiga ng utak yung mag isip nang mag isip ng solution, concept, paano mo yun i-ttranslate for the audience etc.

I always lock in, I do get my things done pero alam mo yung hindi parin siya enough. I don't know kung ako na ba yung problema or dahil feeling ko hindi ako natuturuan ng maayos? Next worry ko pa, kasi inevaluate ako ng April. So kapag hindi ako um-ok or nag improve in 3 months, possible nila akong tanggalin kasi hindi ko nameet yung kpi na mapataas yung sales? I'm honestly so worried but I do my best not to think about it. :( Pahirapan pa sa data kasi lahat mano mano. Tapos gusto pag nanghingi ng data, ibibigay agad.

Recently, naghahalo na yung personal life ko sa work. Kahit hindi ako nakaovertime, I always felt the need to open my laptop kasi parang naka work mode padin ako. Until I read one line that struck me, kind of made me step back a bit. You have to be intentional in making life outside of work. I forgot the next lines pero if hindi raw intentional to make life outside it masstuck ka sa loop na yun. True enough, kahit nasa bahay na ako biglang sasagi sa isip ko yung report ko na due tomorrow ganun. Or past due na kasi hindi ko na kaya.

Hindi ko na kaya. Gusto ko na magresign. Sana matanggap na ako sa mga inapplyan ko kasi nakakapagod 'tong cycle na 'to. I hate when Sundays come kasi monday na naman kinabukasan. I hate Fridays kasi alam kong need ko na magcompile ng data dahil deadline na niya. Friday ko imbes na naggagala ako sa mall or nagpapahinga ako sa bahay, iniisip ko pa yung data na need kong icompile. Hay. Better systems, better management, better salary please please!

reddit.com
u/Radiant-Bass-7153 — 8 days ago

Randomly biglang nagpa-pizza boss namin today kahit wala namang event. Usually pag bday ng mga manager may pakain sa office pero today walang need icelebrate. Natutunan nya sa master’s class niya na dapat cinecelebrate daw mga employees nila or something para namomotivate daw kami. and they kinda wanted to flex na kilala nila kami by calling us one by one, asking us what the highlight of our day was.

then we ate. masarap naman yung pizza at chicken kaso sa sobrang tagal na nakalapag sa lamesa, medyo malamig na lol

reddit.com
u/Radiant-Bass-7153 — 9 days ago