Normal lang ba to with your bf/hubby’s mothers?
Civil naman kami ni mother and nag chchat minsan pag about kay bf or may pasuyo siya sa house nila, nag oovernight kasi ako mga 1-2x pag weekdays. Pag weekends naman, may times na si bf ang natutulog samin.
Sabay sila umuuwi ni boyfie after work kasi magkalapit lang sila ng office. Sometimes kapag mag date kami ni bf after work haharangin niya o kakapitan niya si bf sa pagcocommute para hindi mag iba ng sasakyan na jeep/bus bf ko. May times din na pipilitin niya na sumama kahit na sa bahay ko ung punta – which is pag ganto hindi na tumutuloy bf ko kasi syempre hello ayaw ko din naman papuntahin si tita samin ano gagawin niya don di ba. Never pa naman natutuloy ung pagsama niya sa date namin kasi sinasabi ko sa bf ko ayaw ko dahil time namin un dapat together tsaka ang awkward.
Sa side ko naman alam kong hindi gagawin ng mommy ko ung mamimilit sumama sa date naming mag jowa.
Latest issue ko din is pumunta ako sa nearby cafe sa house nila kaso madalas ako mag grab/angkas so hindi ko alam pano mag commute pa sa area. Sabi ko kay bf sunduin niya ko and ituro sakin pano ba sakayan para next time itry ko. Nung sinabi niya sa mom niya na susunduin ako ang sabi niya sakin “Nang loko pa nga si mama sabi kung hindi ka daw ba marunong maglakad”. No comment na lang ako pero napaisip ako na baka ganun lang nga sila mag biruan.
May pagka-bungangera mother niya sa kanilang magkakapatid. Medj culture shock din ako kasi minumura niya like tar*nt*do ka, 8080, etc. Hindi kasi ganun samin. Well, anyway…may kailangan ba ko gawin or itry para mawala tong pag worry ko?
Sa papa niya naman goods kami. Ewan kung bait baitan kasi pina-swipe ko sa cc para sa phone ng kapatid haha. Tho papa niya madalas nakikipag kwentuhan sakin pag asa bahay nila ako.