i mean online po ba or walk in? kasi dami ko ng naappyan sa indeed, jobstreet, linkedIn at facebook as clinic nurse pero walang nag rereply naiisip ko mag walk in kaso im used to do it lang sa hospital… tips and advice po sa pag walk in🥺 sa school po ba pumapasok kayo mismo sa loob or hanggang gate at manong guard lang kayo?
u/Haunting_Suspect4082
for context po ay nung 17 yrs old po kasi ako ay may union bank ako mga around 2020-2021 pa po yun kasasagan ng pandemic nag tiktok live selling ako ng ukay habang nag aaral ng nursing dahil online naman so gumawa ako ng union bank acc via online then pinadeliver ko yung debit card na never ko ginamit tapos nag online bank ako at ayun yung nilagay ko sa tiktok ko for pay out method ko dibale upon registration nung bank ang details po nun ay 17yo ako minor - student - unemployed - source of income ay saving tapos na scam po ako i know katangahan ko rin po talaga pero kasi nung edad ko na yun kala ko lahat ng tao mabait walang masama idk pasensya na di pa talaga ako ganon kamulat sa reyalidad na may ganung mga tao dibale ayun nga po bandang 7-8pm ng may 26 2021 may tumawag sa cp ko e tulog po ako nun pero sinagot kasi may mga inapplyan ako na bpo company kaya sumasagot ako ng unknown number pero that time scammer pala yung nasagot ko and hindi pa ako fully gising nun tapos una nagpakilala as gcash hanggang sa naging unionbank agent na kuno sya tapos nasimot yung 35k savings ko at nakapag quick loan sila in just 3 mins under my name at ang amount ay 215k.. nagkamali po ako at nabigay ko yung otp na hinihingi kasi po nauto nya na rin ako nadaan sakwento na ganito ganyan pero ayun po trauma na po sakin yun at super laking lessons finollow up po namin sa main branch ng union bank na hindi namin mababayaran yung inutang ng scammer kasi biktima rin ako at nakuha yung 35k ko pero yung 215k nasa part na nila yung mali don dahil bakit nila papautangin yung 17yo student ng ganun kalaking halaga??? tapos lumapit din po kami sa PAO at nbi pero as usual sabi nila hindi na mahahabol yung scammer dahil yung pinagpasahan ng 215k + 35k ko ay unionbank din pero pag check don sa ub acc wala na don yung pera at baka biktima lang din daw po hanggang sa nabaliwala na at hindi ko na po naasikaso kasi nagkaroon narin ako ng clinical duty at mga exams po sa school up until now ay may nag e email parin sakin na mga collection agent.. so ang tanong ko po possible po ba na maofferan ako ng credit card? hindi po para sa luho or what incase lang po for emergency cases and meron po ako shopeepaylater under my name at maganda po yung standing ko don on time po ako magbayad at nasa 55k na yung limit ko don