San Agustin Church Museum Intramuros
Never pa ako nakakita ng multo pero grabe yung nafeel ko na takot sa isang room dito sa museum na to. Sobrang ganda nung place kasi may old charm siya pero yung room na may retablo at vestments ng mga pari papasok pa lang ako parang may nagpapalabas na sa akin. Nung una di ko pa pinapansin pero nung andon na ako sa bandang gitna dun sa mga damit ng pari napatakbo talaga ako palabas. Nagulat din ako sa self ko kasi usually composed at di naman ako matatakutin. Yung kasama ko naman sabi niya sakin hinihintay niya lang ako pero gusto niya na rin lumabas kasi mabigat nga sa pakiramdam tapos nung sinundan niya raw ako palabas nung tumakbo na ako may nafeel siya na parang humawak sa ankle niya. First creepy experience ko yan pero sobrang love ko pa rin pumunta sa area ng Intramuros.