Ako lang ba yung affected 'pag na-ban yung account?
Naalala ko kasi nung nag-launch yung 2023 yung mga binatilyo sa subdivision namin, kwento nang kwento about this game na need mo mag-purchase ng subscripion para lumakas tapos may mga certain items na uber 'pag nakuha mo online. Eto yung panahon na naka-dial up pa kami sa bahay, like 54 KBps. KB yes.
I got so curious na I went to this computer shop near SM Bacoor. So yun, nakita ko yung game and almost all ng nasa comshop na yun, yung ang nasa screen. Natuwa ako sa graphics or itsura ng mga characters kasi mga chibi.
May free trial naman pala yung game. Up to 3 days. So sign-up, sign-up tapos try. Gumawa ng character na gusto maging archer. Naaalala ko yung first map na nakita ko was Payon. Sobrang daming characters na hindi ko talaga makita yung sa 'kin.
So baba ng 1 map, tapos may mga Poring and Willow. Tandang-tanda ko, naubos ko yung free trial na 30 hours yata or 3 days, tapos novice pa rin character ko, like hindi pa job 10. At di uso ang items nun pag gumagawa ka pa lang ng new character. Novice with cotton shirt and knife. That's it. No red pots whatsover. So mas madalas pang naka-upo yung novice ko just to regen ng hp.
Tapos 'di ko pa alam mga stats nun. So yung archer ko, mataas ang intelligence at may straight (iniisip ko para malakas magbuhat ng arrows at matalino). Very late game ko na talaga nalaman na DEX pala stat ng archer, like WTF. Hunter na yata ako. So sobrang hirap habulin yung DEX. Imagine, umabot ako ng hunter, with very minimal DEX. Ang hirap.
Tapos ang unang guild na nasalihan ko was Rekta. This was Loki server. That time, Chaos-Loki-Iris na yung servers. Na-scam ako ng 10,000z dun sa recruit-recruit ng guild. Imagine, pagka-deal ko ng 10k zennies, invited sa guild, wala pa yatang 5 mins kicked-out na ako. Like WTF that was 10,000z and it's 2003. Ang hirap ipunin nun at that time.
Eventually, nakaipon ng gamit pero never ako nagka-boss card all my life sa Level Up Games pRO server. Tandang-tanda ko one time, yung merchie ko nagpapa-level-up sa Ant Hell. May bumagsak na Vitata Card (for heal). Naunahan ako ng langgam, Pierre ata yun or Deniro. Kinain yung card. Tapos pagkapatay ko, wala na yung card. I was traumatized siguro like days.
Eto nga pala yung era ng mga Steelwolves. Tapos sa server namin, tandang-tanda ko ung unang 99 na character sa server namin, si kitrock. Sya lang ang umiilaw sa Prontera, like parang may GM 'pag online s'ya.
Eto rin yung time na may LU Live event pa sa World Trade Center. Di ko lang sure kung anong year yung 1M ang price money sa Grand Champion. Pero we never missed the in-person event sa WTC. Chance to meet your guild members eh, may EB (eyeball) para makita kung sino talaga yung chixilog -- chicks na may itlog.
Eto rin yung time na national anthem ng mga RO players yung Chixilog ng Kamikazee... you know the lyrics... "Magdamag, nagaabang, maglalaro kaya. Ang dalagang nagtatago sa alyas na Maldita. Sa dating tagpuan, sa bayan ng Prontera... sa tabi ng tindahan, ng magic at sandata..."
I recall one time na sobrang appreciative ng lead vocals sa crowd that he can play / sing that song for so long. Like hindi nawawala ang "Chixilog" pag may event sila. Eto rin yung time na sobrang hype ng RO sa Pinas to the point na may mga CDs ng mga songs na OPM, na composed inspired by the game.
Tapos yung mga short film videos. Pinaka-naalala ko yung "Hacked" na video. About dun sa sobrang kunat na pari dahil sa mga ++ na items n'ya. Mocking Muffler ang sikat sa hunter, Raydric ata sa pari. Pero sobrang "damit" yung character nung guy sa video, like to the teeth. Kaya yatang mag-tangke ng Baphomet sa GH Castle level yung equipment n'ya.
Tapos 'pag login n'ya, hubad character n'ya. Hacked. At sobrang gumuho mundo n'ya sa video. And sobrang relate ako kasi sa mga laglag-item scam na uso nun. Yung ika-cancel yung deal, tapos magdi-deal ulit pero hindi na slotted yung item.
Ang scandal nun na 'di ko makalimutan is yung member ata or GM ng Esteemed House of Crane (EHOC) na napabalitang nakapatay dahil sa Golden Tip Bag (eto spelling sa dyaryo). Nung panahon, God-like ang characer mo 'pag naka-Golden Thief Bag (GTB) kasi magiging Ghost type ka -- di tatama sa 'yo physical damage.
Eto rin yung mga time na may nababalitaan kaming nagbenta ng kotse for an in-game item. Yung mga nagmi-meet sa computer shop sa Megamall para lang bumili ng zenny. Bawal ang real-life trading, pero sige lang mga tao. Di ko confirmed kung totoo pero, madami daw kumita kaka-hunt ng rate items (boss cards) tapos ibebenta iRL (in-real life).
Then ayun, dumami na yung bots... tapos epic fail na Donita and Ligaya... mejo nabawasan ang players yata, pero na-enjoy ko pa rin yung RO until mag-close yung server 2015. Nagkaroon ng option to migrate sa iRO and na-migrate silang lahat dun. I have like 4-5 accounts na puno yung slots... so mga 30+ characters yata. Lahat ng characters nagawa ko including yung mga pusang race.
Tapos ang active ko pang mag-report ng bot nun. As in naka-video, kakausapin. Tapos pag sobrang deadma talaga, walang sagot, walang emoji /gg yun reported. Dapat detailed ang screenshot mo, or video at dapat no doubt, bot yung ni-report mo. Kasi ma-ban lang ang character mo at that time, sobrang iiyak ka talaga promise.
Ikaw ba naman, pag-login mo, makikita mo "your character has been banned until 2050" like life sentence talaga. Kaya ang reporting nun ng mga lumalabag sa batas dapat talaga, full-backed up ng proof as in beyond reasonable doubt.
Na-recall ko lang kasi last year, na-ban yung 4 year account ko. Walang screenshot whatsoever. You're banned.
Yung mga hindi nakalaro ng RO that tme, probably would have no idea. Ngayon kasi, pag na-ban account mo, "gawa ka na lang ng bago". Sabihin mo yan during the hayday ng Ragnarok. Ay na-ban 99 hunter mo with +6 all items boss carded yung iba? Gawa ka na lang ng bago". Ewan ko sa inyo, pero ako, at that time... trauma talaga ako".
Sino naka-relate sa feeling ng ma-ban? Imagine, Geffen, Izlude, Morroc 2003.