Context: May car loan kami ng asawa ko, siya yung primary, ako yung cobuyer. Reason kung bakit sya yung primary is because when we applied for a loan, kakalipat ko lang sa bago kong company back then, 4 months pa lang ako while sya years na so mas strong ang employment background niya.
I was the one who decided to get the car so ako nagbayad ng dp, ako rin nagbabayad ng monthly. Thing is, maghihiwalay na kami. I want to keep the car kasi mas need namin ng mga anak ko while sya magrerent na lang naman ng apartment at wfh.
I am ok with keeping the car and continuing monthly payments pero ayokong malugi na pag natapos kong bayaran, sa kanya lang mapupunta technically kasi sya yung primary. I want to secure myself sana as early as now, so would pasalo agreement and SPA save me? Para may written agreement and proof na ako yung nagbabayad and by the end of the term may panghahawakan ako na ittransfer yung ownership under my name or pwedeng ako na mag-asikaso lahat since may SPA naman? Willing naman sya pero I want documented proofs.
Any advice po? Thank you!