u/Ayoskaah

▲ 3 r/SEGA

Do you know who these two are? I can't find anything about them on Google. They have Sega tags.

u/Ayoskaah — 8 days ago

Share ko lang story ng mama ko nung nasa burol sila ng lola ko sa Bicol, Catanduanes. Gabi noon at naiwan mag-isa si mama sa loob ng bahay kung saan nandun yung ataul ng lola ko. Normal na maliit na bahay lang yun, tapos katabi ng ataul eh ung isang malaking pahabang bintana na " de tukod" na normal sa probinsya. So dahil bantay si mama, nkaupo lang siya sa gilid. Maya-maya lumingat lang daw siya ng konte, as in ilang segundo lang. Pagbalik nya ng tingin sa kabaong, nakita ang isang itim na napakalaking parang aso pero "nakatayo", yakap yakap yung kabaong ng lola ko. Ang itsura daw nun ay pulang pula ang mata tapos yung bibig ay parang garapon na punong puno ng laway. Habang yakap daw nun ung kabaong eh nakatingin lng ito kay mama, as in eye to eye contact sila. So sobrang gulat ni mama napasigaw siya at napamura at kumuha ng mga bato sa lupa tapos pinagbabato yun. Pero parang di natitinag at nakatayo lng daw yun doon. Dahil sa ingay na narinig, pumasok sa loob ung mga kasama nila mama doon na naglalaro ng baraha sa labas. Doon din nakita nila lahat yung aswang. Dun lang gumalaw ulit yung aswang at tumalon mula doon sa bintana papunta doon sa my sagingan. Sinubukan nilang habulin pero nawala n rin agad, sabay narinig nila ung isang malakas na alulong sa sagingan. Totoo pla talaga yung paniniwala na pg my patay dapat di nawawalan ng tao/bantay sa kabaong.

reddit.com
u/Ayoskaah — 15 days ago