u/Adventurous-Rock5920

Problem/goal: Grabe na yung pressure sa akin ng magulang ko kasi akala nila ayaw kong mag trabaho at lagi akong kinukumpara sa mga batch or classmates ko na wala daw akong mararating.

Context: 9 months na akong nag aapply non stop pag ka graduate ko. Pero hindi pa din ako pinapalad makapag land ng work, there’s few interviews pero sabi tatawagan daw, mag eemail nalang daw kaso its been weeks kaso wala pa din. Graduate ako ng BSIT, na akala ko indemand pero sa tingin ko indemand lang siya sa may mga experience o magaganda resume?
Yung pressure sa akin ang bigat na lalo na 25 na ako still wala pa ding nararating sa buhay. Willing naman akong matuto, willing ako kahit mababa sahod basta mag ka work lang. Ang hirap lang kasi tingin ng magulang ko ayaw ko mag work pero kabaligtaran, gusto kona makabili ng mga bagay na gusto ko, gusto ko may mabili ako sa pinag hirapan ko. Sana may makahelp kahit advice lang, thank you.

reddit.com
u/Adventurous-Rock5920 — 17 days ago