r/u_Impossible-Baby-45

▲ 11 r/u_Impossible-Baby-45+1 crossposts

RELAPSE HINDI KO NA KAYA 😭😭😭

Hindi ko na talaga kaya. Sobrang adik na ako sa sugal at pakiramdam ko unti-unti nang nasisira buhay ko. Nagsimula lang lahat noong May 2025. Akala ko libangan lang, pampalipas oras, “try lang.” Sa umpisa nananalo pa ako kaya lalo akong naengganyo. Akala ko kontrolado ko. Akala ko kaya kong tumigil anytime.

Pero habang tumatagal, lumalala. Kada talo gusto kong bawiin. Kada panalo gusto ko pang dagdagan. Hanggang sa naging cycle na siya araw-araw. Gigising akong iniisip yung sugal. Matutulog akong iniisip yung talo ko. Yung pera na dapat para sa sarili, pamilya, future — nauubos lang sa ilang pindot.

Ang sakit kasi aware naman ako sa ginagawa ko pero parang hindi ko mapigilan sarili ko. Ilang beses ko nang sinabi na “last na ‘to,” pero babalik pa rin ako. Sobrang nakakahiya. Hindi ko na kilala sarili ko. Dati may pangarap ako, may disiplina ako kahit papaano. Ngayon puro kaba, guilt, at anxiety na lang nararamdaman ko araw-araw.

May mga gabi na hindi ako makatulog kakaisip kung paano mababawi lahat. May moments na gusto ko na lang mawala kasi pagod na pagod na utak ko. Hindi ko na alam paano magsisimula ulit. Pakiramdam ko mag-isa lang ako at walang nakakaintindi kung gaano kahirap kalabanin yung addiction na ‘to.

Pinaka masakit yung alam mong ikaw mismo sumisira sa sarili mong buhay pero parang may parte ng utak mo na ayaw tumigil. Nakakaubos siya ng pera, oras, tiwala, relationships, at peace of mind. Totoo pala talaga na hindi lang financial problem ang gambling addiction — mental at emotional torture din siya.

Nagpo-post ako dito kasi gusto ko lang ilabas lahat. Siguro gusto ko rin marinig sa mga taong naka-experience nito kung paano kayo nagsimula ulit. Paano kayo tumigil. Paano niyo hinarap yung shame at guilt. Kasi sa totoo lang, takot na takot na ako sa sarili ko ngayon.

Ayoko nang mabuhay nang ganito. Gusto ko nang makawala.

Habang tinatype ko to nagiisip Ako ng Hindi magandang Gawin sa Sarili ko 😭😭😭

reddit.com
u/Impossible-Baby-45 — 3 days ago