Entitled Pisay Scholars and Parents
Labas ko lang to.
Bakit entitled ang karamihan sa Pisay. Na observe ko na mas maraming mayaman kaysa mahirap sa Pisay. Bilang isa sa mga mahihirap, tahimik lang ako tuwing may mga meeting. Sobrang entitled ng ibang mga magulang. Ang dami nilang gustong mangyari eh public school nga ito. Yung isang magulang, ayaw pauuwin ang anak sa weekend (dormer siya) kasi daw mapapagod. WTF, eh di sana gawan nila ng paraan tutal marami naman silang pera. Yung isa naman, inaaway ang teacher ng anak kasi naka 3. Eh sana kung nag submit ng requirements eh di sana maayos din ang grade niya. Samantalang ako at ang anak ko, ginagawan ng paraan para matapos ang mga requirements niya. Nagpupunta sa library palagi para maka gamit ng computer dahil wala siyang sariling laptop.
Maswerte lang rin siguro ako sa anak ko dahil naiintindihan niya ang sitwasyon namin.