Walang pinagbago
Grabe, paano ba umabot sa ganito? Sunk-cost fallacy ba ‘to? Pinipilit ituloy kahit obvious na palpak na yung system.
Yung website sobrang bagal, tapos yung course finder hindi pa gumagana. So paano kami mage-enlist kung basic functions pa lang, hindi na gumagana?
Nakaka-frustrate din kasi at first sabi kaya daw ng server ang buong colleges, tapos ngayon paulit-ulit na binabawasan, daming revisions ng time slots, pero ngayon mas lalo pang pumapalpak kahit “smaller load” na. Anong point nun kung pagpasok mo sa website, same chaos pa rin tulad ng MLS?
Hindi naman kami nag-eexpect ng perfect system, pero sana kahit functional man lang. Enrollment ‘to, tapos ganito ka-stressful at inefficient.
Tapos nakaka-sayang pa lalo kasi tuition fee ang laki, big three pa naman kuno, pero yung experience parang public school—no in fact mas maayos pa sa kanila.