r/Antipolo

antips commuter friendly

my friend and I are planning to go sa antips mamayang 4pm mag commute lang kami

Any recommendations saan may masarap na food with overlooking view? After balak namin mag coffee sa other place, yung pwedeng lakarin galing sa kung saan kami kakain. Thank youuuu

reddit.com
u/diorandpercy — 10 hours ago

National ID

Saan po ba ito

G/F Games and Garments International Inc.,# 6 Sen. Lorenzo Sumulong Memorial Circle (formerly Circumferential Rd)., Brgy. San Jose, Antipolo City

Nagpapacorrect at update po ng National ID

reddit.com
u/Careless-Item-3597 — 9 hours ago
🔥 Hot ▲ 98 r/Antipolo

Goodbye Narra Tree. May permit kaya sa DENR to? Antagal na ng punong ito namumuhay at nagbibigay shade sa sidewalk. And syempre oxygen at sigla sa kapaligiran. Saka naiiwasan naman ng mga motorista at di rin ganun nakaka cause ng traffic. Bakit pinutol?

Grabe lungkot ko at napamura nang makita ko to. Everyday ko nadadaanan tong punong ito at nababati. Simula bata pa ako pinagmamasdan ko na yan at napapaisip buti kamo di pa siya pinuputol kasi nasakop na ang kalsada. At dumating na nga sa punto na pinutol nalang siya ngayong araw. Buhay pa naman at di naman natumba.

Kadalasan pinuputol lang ay yung mga natumba na dahil sa bagyo okaya parang sa marikina binubuhay pa nila ulit pag namatay, magka shade lang ang sidewalk. Pero dito, ewan koba. Napaka poor sa urban planning. Kita nyo naman sa traffic schemes palang e.

Ang alam ko bawal putulin to dahil protektado ng DENR pero pinutol pa rin nila. Wala nga sign or permit na nakalagay na may pahintulot na putulin iyong puno. Taena talaga. Halata mo sino boss ng DENR e. Kaliwat kanang quarrying palang sa Rizal at naging tapunan ng basura ng metro manila ang Rizal.

Wew.

Pero basta nalang pinutol itong puno.

Narra tree pa man din yan. Resilient at matibay.

#Goodbye Narra Tree. Salamat sa pagbibigay buhay, hangin, sigla, shade, pang harang sa sumisingit na kamote, at sa pagiging tunay na PUNOng Antipoleño. Kaya lang nabigo ka namin. Kasi napabayaan na namin tong bayan namin at ikaw.

Sana makabawi kami sayo sa ibang paraan.

u/Massive-Equipment25 — 2 days ago
🔥 Hot ▲ 226 r/Antipolo

Kayo po na nakaupo, subukan niyo namang tumayo.

Will be posting this from time to time.

Bilis makalimot nang iba. Saka para may kita yung trolls nila dito. 🤧 Kaso bina block ko kagad.

Fun fact. Laking Binangonan si Gloc 9. Isa sa mga sinabi niya noon ni lumaki daw siyang namulat sa political dynasty di niya nga lang pinangalanan. Sabay kumanta netong Upuan sa Leni-Kiko rally sa Y Center. 🫢

u/Massive-Equipment25 — 2 days ago

Paano ireport ang videoke ng kapitbahay kapag malayo ako sa baranggay?

Hello!

Sorry di ko alam kung right sub ba ito. Taga Baranggay Cupang ako pero malayo ako sa barangga hall, may other ways kaya para ireport yung kalapit bahay na grabe ang videoke?

reddit.com
u/Vast_Composer5907 — 24 hours ago

Living in Maia Alta

Eto na naman ako nanghihingi ng feedback haha pero also looking at a property in Gardens of Maia Alta. I knooooow, Villar pero ok ba dun knowing na Crown Asia siya? Musta yung safety and utilities?

Or any other feedback sa Maia Alta esp sa Gardens hehe

Thanks!!

reddit.com
u/bjorn_who_eves2972 — 15 hours ago
▲ 10 r/Antipolo+1 crossposts

SK Anti Epal?

SK palang to hindi alam alam ang Anti-Epal nakakaloka na para bang hindi galing sa Tax Payers ang pondo. 🤦🏻‍♀️ #Polpolitika #AntipoloAnoNa?

u/ProgressKnown3596 — 2 days ago

Sino naka panood nito?

Akala natin tigil n ang flood control. Ito naman bumalik naman ulit at take note s liblib na bahagi pa ng antipolo nila ginagawa para walang makahalata. Malemaleta naman ang kitaan ng mga pulitiko ng bayan natin.

Tapos tayo nagtitiis sa hirap sa medical at iba pang serbisyo saating bayan. Tapos milyon milyon naman ang nilalaan sa walang ka kwenta-kwentang bagay tapos kukurakitin pa nila.

u/vPiDo — 3 days ago

tricycle fare

nakakainis wala na bang gagawin antipolo government para maregulate pamasahe dito sa antipolo? gets naman mataas diesel pero paano naman kaming mga commuter na student lang 😭 from robinsons antipolo to lagpas ng tropical palm na wala pa sa 6-8 mins yung byahe, sobrang mahal na ng 60 pesos na dapat 40 pesos lang yung ride. ang nakakainis pa di sila consistent maningil, kasi nung nagtaas gas 50 pesos na nga binabayad ko tas yung iba tinatanggap naman, pero may ibang araw na kupal yung tric driver tas 60 sisingil. taena kalahati ng baon ko para sa pamasahe lang nakalaan, mas mahal pa sa bus/jeep maningil 🥴

reddit.com
u/soundsofjjong — 3 days ago

Balita kaya kuya, Napansin kaya?

Update sa kanya napansin kaya siya ng mahal na mayor o kahit sinong politiko natin?

u/vPiDo — 1 day ago

Bus from NAIA 3 to Rob Antipolo

Sa mga nakapag commute na sa terminal ng Rob Antipolo to NAIA 3, saan kaya yung loading / unloading area from airport? Grab kasi yung papunta namin kaya hindi ko natanong sa driver kung saan at yung schedule din ng alis. Baka po may nakakaalam. Thank you!

reddit.com
u/sooyeonjungs — 24 hours ago
🔥 Hot ▲ 2.9k r/Antipolo

Vikings Antipolo!!

Gusto ko lang i-post 'tong cook ng Viking Luxury Antipolo dahil sa nangyari kahapon, pagtapos akong ipahiya sa harap ng dalawang kapatid ko at sa Girlfriend ko. Nangyari 'to kahapon lang, April 18, 2026, Exactly 11:10 AM. Nung kakapasok lang namin sa Vikings, una kaming pumunta sa Beef Station, ako 'yung nasa unahan ng pila at nasa likod ko 'yung dalawang kapatid ko at Girlfriend ko. Wala pang laman 'yung plato ko, nung binigyan ako ng beef, sinabi sa'kin ng cook na "wait ka lang muna diyaan, dadagdagan ko 'yan " kaya nag-antay ako dahil sa sinabi niya, after niya ako bigyan, umalis ako sa pila at may sinabi siya sa'kin na patay gutom at narinig ng dalawang kapatid ko at ng Girlfriend ko, nung nakaalis 'yung dalawang kapatid ko at Girlfriend ko na 'yung sservan ng beef, sinabi naman niya na " Pagbalik niyan dito, ipapahiya ko 'yan " akala niya ata hindi ko kilala 'yung mga nasa likod ko kaya malakas loob na magsabi ng ganon. Nung nasa table na kami, dito na sinabi ng Girlfriend ko at kapatid ko 'yung nangyari, kaya bumalik ako sa cook na 'yun para komprontahin, pero tinitignan lang ako at walang masabi, sinasabihan ko na lumabas at mag-usap kami kaso tameme pa rin, mabuti nalang may matandang umaawat sa'kin kaya pumunta ako sa Manager para sabihin 'yung nangyari, sabi ko sa Manager na palabasin 'yung cook para mag-usap kami, sabi ng Manager na papauntahin daw sa table namin pero wala namang dumadating, kaya

pumunta ulit ako sa Manager kung ano na ang nangyayari bakit wala pa rin 'yung cook na bastos, sinabi sa'kin na pinauwi na daw ng Head Chef nila dahil daw sa nangyari, cinocontact daw nila para bumalik pero hindi na daw sumagot. Ano 'yan lakas loob na magsabi ng bastos sa harap ng dalawang kapatid ko at sa Girlfriend ko tapos hindi mo ako kayang harapin pagtapos kita komprontahin? Hiningi ko 'yung name nung Cook, ang name daw ay si Phad Apalis pero hindi ko makita ang soc med acc. Hingi sana ako ng help para makita kahit anong soc med acc meron 'tong tao na 'to. Bumalik ako kanina pero wala na dun, hindi ko alam kung tinatago nila 'yung cook na 'to. After ako bastusin sa harap ng kapatid ko at Girlfriend ko, hindi mo pala ako kayang harapin, birthday na birthday ng bunso kong kapatid tapos gaganonin mo ako sa araw na 'yun?

u/russel_28 — 8 days ago