



Goodbye Narra Tree. May permit kaya sa DENR to? Antagal na ng punong ito namumuhay at nagbibigay shade sa sidewalk. And syempre oxygen at sigla sa kapaligiran. Saka naiiwasan naman ng mga motorista at di rin ganun nakaka cause ng traffic. Bakit pinutol?
Grabe lungkot ko at napamura nang makita ko to. Everyday ko nadadaanan tong punong ito at nababati. Simula bata pa ako pinagmamasdan ko na yan at napapaisip buti kamo di pa siya pinuputol kasi nasakop na ang kalsada. At dumating na nga sa punto na pinutol nalang siya ngayong araw. Buhay pa naman at di naman natumba.
Kadalasan pinuputol lang ay yung mga natumba na dahil sa bagyo okaya parang sa marikina binubuhay pa nila ulit pag namatay, magka shade lang ang sidewalk. Pero dito, ewan koba. Napaka poor sa urban planning. Kita nyo naman sa traffic schemes palang e.
Ang alam ko bawal putulin to dahil protektado ng DENR pero pinutol pa rin nila. Wala nga sign or permit na nakalagay na may pahintulot na putulin iyong puno. Taena talaga. Halata mo sino boss ng DENR e. Kaliwat kanang quarrying palang sa Rizal at naging tapunan ng basura ng metro manila ang Rizal.
Wew.
Pero basta nalang pinutol itong puno.
Narra tree pa man din yan. Resilient at matibay.
#Goodbye Narra Tree. Salamat sa pagbibigay buhay, hangin, sigla, shade, pang harang sa sumisingit na kamote, at sa pagiging tunay na PUNOng Antipoleño. Kaya lang nabigo ka namin. Kasi napabayaan na namin tong bayan namin at ikaw.
Sana makabawi kami sayo sa ibang paraan.