u/zkasha_

My girlfriend's family is chaotic and it bothers me.

Problem/Goal: My girlfriend's family is chaotic and it really bothers me for our future.

Context:

Long story ahead, Please bear with me .

Hello. I'm 27(M), I have a girlfriend and mag 4 years na kami this July. Na meet na din niya parents ko and almost all of my relatives and she's very happy. Kabaliktaran sakin nung na meet ko ang parents/family niya and is REALLY A CHAOS. To summarize it all, first nagloko ang papa niya. Nag asawa ng iba at nagkanak na din, pero parang okay lang sa kanila to the point na bumibisita ang papa niya pag may events sa kanila bitbit yung bago niyang asawa at anak. Imagine nasa iisang bahay sila. Pangalawa, yung kuya niya is alcoholic at physically abusive sa partner niya. Pangatlo, yung mama niya is palaging may problema pag dating sa pera na laging nanghihingi sa partner ko at pag hindi na bigyan umaabot sa point na parang tinatakwil siya (hindi kinakausap, pinapansin, sinisiraan sa iba). Same with her father na may problema din sa pera at nanghihingi sa kanya pang support siguro sa bago niyang family like WTF pagtapos mo kami iwanan hihingi ka ng supporta samin? Tumatanda na din kasi ako and Im planning for my future, But it really bothers me na magkakaroon ako gantong in laws/extended family. Di ko din alam kung bakit ngayon lang sa akin nag sink-in ito noong nagkwento ako sa parents ko and tumatak sakin yung words nila na "mukhang magkakaroon ka ng problema sa family niya"

Previous Attempts : None

reddit.com
u/zkasha_ — 17 hours ago