u/tiny-lady-25

🔥 Hot ▲ 186 r/OffMyChestPH

Jeepney Driver na Namamahiya

I just wanted to share lang yung nangyari sa akin kanina.

Lagi akong may nakaready na barya na 15 pesos na pamasahe sa bulsa ko para di ko makalimutan magbayad. Pagsakay ko ng jeep, nagbayad agad ako ng sakto then I used my phone na.

Ng bababa na ako, pagkatawid ko. Tinawag ako ni manong driver at nagsisigaw na di pa daw ako nagbabayad. Sinabi ko na nagbayad na ako pagkasaky ko tapos pinipilit nya pa din sa malakas na boses na hindi. Ang mahal na nga daw ng gas di pa daw ako magbayad.

Chineck ko bulsa wala na doon yung coins na pamasahe ibig sabihin nagbayad ako. Narinig ko pa na sabi ng katabi ng driver sa unahan na nagbayad na nga ako pero di nakinig si kuyang driver at pinipilit pa rin nya na di ako nagbayad.

Sa inis ko, nagbayad ulit ako ng 20 pesos di ko na kinuha ang sukli sabay sabi ng pagpalain nawa sya sa ginagawa nya.

Ngayon lang ako naka-experience ng ganyang driver na grabe mambintang. naintindihan ko sitwasyon nila kaya nga madalas nagpapasobra ako sa minimum na pamasahe. Napaisip tuloy ako deserve ba na magdagdag ako ng pamasahe bilang konting tulong kung baka may driver ulit na ganunin ako at sigaw sigawan ako sa bintang na di naman totoo. Hanggang ngayon naiiyak ako kasi I do not deserve such treatment and I know myself very well naman.

reddit.com
u/tiny-lady-25 — 1 day ago