u/stoicinobody

▲ 2 r/it

I need help with enterprise desktops please.

I'm very new in this company, and im the only IT guy.

My boss wants me to decide on purchasing 10 desktops for the directors and specialists, and i dont know what to buy.

Im thinking HP elitedesk 705 G4 as its quite cheap but runs with ryzen but ive read some bad things about it that it only lasts about 2 years.

Im hoping you could help me decide on this matter and any suggestion is well appreciated!

reddit.com
u/stoicinobody — 3 days ago
▲ 1.8k r/CasualPH

The ultra plot twist she never saw coming. 😈

I’ve been looking for a watch for myself for the longest time. I finally saved enough and planned to buy my dream watch last Friday — sakto payday.

But then naisip ko, my wife has been wanting a watch too. Hindi naman kailangan for work, pero all her friends already have one, and she’s been quietly telling me she wanted one since last year. Tight lang talaga budget lately kaya lagi niyang pinopostpone.

So when salary came, instead of buying the watch I wanted, I bought one for my wife.

So I got this simple little Casio watch for myself nalang. Tinatawanan pa niya ako kasi ang tagal ko raw mamili online tapos “pang kiddie watch” lang daw binili ko kasi medyo maliit. 😂

Little did she know… may paparating nang Apple Watch para sa kanya. Hehe. Darating tomorrow.

Yun lang just want to share my excitement! Can't wait to see her reaction! 😂

u/stoicinobody — 4 days ago

Naalala ko yung mga panahon na proud na akong makasakay sa "special" trip ng tricycle dahil umaandar kagad at di na kelangan punuin ng sakay. Sa maliliit na wins kapag napapasakay sa maluwag na bus, sa hindi gaanong mahabang pila ng jeep, sa mga pagkakataong hindi maulan pero di rin tirik ang araw. Mga maliliit na wins na naghanda sakin upang mas ma-appreciate ng lubos ang ganitong mga pagkakataon.

Salamat at nakatawid.

u/stoicinobody — 8 days ago

Minsan na rin akong napakwento dito, nung ilang beses akong paulit ulit na tinanggal sa ibat ibang factory work na pinagtatrabahuan ko. Naging kargador, tagatimpla ng harina, taga hugas ng mga plato, taga mop ng sahig, taga tupi ng mga damit, at kung ano ano pa. Yung misis ko lang talaga kakampi ko sa mga panahong yon.

Hindi ko naman masasabing mahirap kami sa Pinas. Katamtaman lang ang kakayanan namin, gawa ng nanay ko walang trabaho, at kinakasama niya ang bumubuhay sa mga kapatid ko. Nagdesisyon kami ng 10 years kong jowa na sumubok "makatapak ng swerte" sa UK.

At nakatapak nga. Kaliwa't kanan akong nag apply, pero hindi kampi sakin ang chamba. Lumagapak ako sa ibat ibang pabrika, at sinampal ng katotohanan na di pala ganun kadali ang buhay ofw.

Tuwing nagtatapyas ng empleyado, sumasabit ang pangalan ko. Sa mga ganitong tagpo, paulit ulit akong pinaaalalahanan ng misis ko "hindi ibibigay sayo ng universe ang hindi naman para sayo". Paulit ulit na paalala, paulit ulit ko din pinagkikibit balikat. Hanggang nung huling beses, napagdesisyunan kong pagbigyan ang misis ko. Tinayaan ko ang sarili ko, at pumusta sa paniniwalang mas May magandang oportunidad na nakalaan para sa akin.

Nag aral ako ulit, self study. Walang pinalampas na minuto, bawat pagkakataon pinipiga ko ang utak ko. Bawat lunch break nagbabasa ako. Maski sa mismong trabaho nag sasalita akong mag isa at nagsasaulo ng mga detalye. Pinatalas ko ang memorya ko, at pinagtibay ang sikmura. 5x na rin akong mag gym kada Linggo pagtapos ng trabaho. Malaking epekto ng malusog na katawan sa mentalidad ng tao. Umiwas sa mga carbs at nag-focus sa protina.

Naipasa ko ang exam. Dalawang exam, isang take. Inabot ako ng buwan, pero habambuhay kong dadalhin ang kwentong yon.

Akala ko tapos na.

Lumipat kami ng US, wala akong trabaho. Kung gaano kabigat ang pakiramdam ng pag aaral, ganun din pala sa pakiramdam ang pag aapply. Paulit ulit akong Minulto ng ideya na bakit ako ang tatanggapin ng mga kumpanya, kung libo libo sa bansa nila ang naghahanap ng trabaho, at mas matalas mag ingles? Mas matangkad, mas bata, mas pogi, mas plantsado ang buhok at pananamit, bakit sila tataya sa isang tulad kong galing sa bansang sikat na sikat sa korapsyon?

Pero hindi ako bumitaw. Binago ko ang mentalidad ko, at nagtuon sa mga bagay na meron ako. Hindi man ako ang pinaka matalino, ako ang pinakamasipag. Ako ang pinaka matibay. Ako ang pinaka matiyaga. Ako ang--- ah basta ako ang taong makukuha dahil lahat tayo kakaiba at mayroon akong natatanging karakter at pagkatao na hindi kailan man magagaya. Ako ang pinaghalong masama at mabuti ng lahat ng impluwensyang nakasalamuha ko sa buhay ko. May mga bagay na wala ako ngunit May mga bagay din na ako lang ang nagtataglay at walang sino man ang makakagaya ng kombinasyong mayroon ako.

Hanggang sa natanggap ko.

Ganun pala ang pakiramdam ng nanalo.

4.5million pesos a year.

Kasabay pa nito ang swerte ng misis ko na nakatanggap ng 82000usd naman bawat taon.

Maraming salamat po, at biniyayaan kami ng mga kakulangan at pagkakaroon. Dahil sa mga bagay na yon, naging ako kung sino man ako ngayon. Naging kami kung sino man kami. At nawa'y maging kayo kung ano ang dapat na maging kayo.

Mabuhay ka.

u/stoicinobody — 14 days ago