napagkamalang mang-aawit
this is not really a serious rant or vent, parang story time lang rin pero hindi ko mahanap yung tags for it, maikling kwento lang rin naman ‘to, walang hard feelings. one time, habang nasa tricycle ako, bitbit ko vestment ko, (isa akong lingkod ng dambana o sakristan kung tatawagin), napatanong yung katabi ko, “saan ka tutupad?”, sinagot ko, “ha ano po?”
“hindi ba mang-aawit ka? san ka tutupad?” e saktong huwebes rin kasi nun, bagong taon araw ng pagsamba nila at ang suot ko ay white shirt, black slacks, black shoes, black socks, naka garment bag pa ako at hawig na hawig ko rin talaga ang mang-aawit ng iglesia ni manalo, nung sinagot ko si ate na “ay hindi po, sakristan po ako”, sinagot niya ako ng “ahhh sakristan ka ba”, tapos hindi na niya ako sinagot, ramdam ko na sumama yung loob niya, halata ang dismaya sa mukha ni nanay HAHAHAHAHAHA, nakakalungkot ang estado ng mga trapped nating mga kapatid sa kulto ni manalo, kahit bagong taon ay kailangang tumupad, walang silang takas at wala silang magagawa dahil mandatory sa kanila yun, sana makamit niyo na yung kalayaan niyo sa kulto na yan, God bless ! 🫡