u/quagsadilla

Nagtitipid na yung company

Di ko alam kung reklamador lang ako o kung ganito lang ba talaga ang situation ng companies ngayon. For context ito yung first full-time job ko, dati puro part time o internship lang inaasikaso ko.

Nagrelease yung company ng memo talking about the government compliance sa pagtipid ng energy. Work hours namin ay 8:00 to 6:00 pero need na nakapatay aircon by 5:00. Dumating sa point na bago mag-Holy Week, pinagsabihan kami na maging grateful kami sa work at kung mas kaya mag stay pa kami ng mas matagal. E akala ko ba nagtitipid kayo? Bakit sa mga uuwi lang ng probinsya yung half day? Bakit need na "considered" as province yung uuwian? Ang daming sinasabi pero ang totoo lugi pa rin naman yung empleyado.

Nasanay kasi ako sa mga international companies. Ganito ba talaga yung mga Filipino-owned businesses?

reddit.com
u/quagsadilla — 4 hours ago