u/palaboylaboylang

Naranasan n'yo rin bang makalimutan mga certain events, places, people na nakasalamuha in the past?

Hindi dahil sa memory loss, ha. Alam ko namang sa age natin medyo okay okay pa naman ang memory (majority yata). Maaalala pa ibang bagay/happenings sa childhood natin, sa high school, college and working days pero ako kasi, lalo kapag related sa 1st ex ko na nakasama ko for more than a decade, hindi ko na tanda 'yong details like kapag sinabi ng Mama ko, "Di ba pumunta tayo dito kasama is ano dati?" tapos hindi ko talaga maalala. Siguro kung may photo, maaalala ko iyon. Kapag wala, eh di wala. Kung may matandaan man ako, parang short scenarios lang. Tapos hindi lang naman particular sa mga eksena kasama ang ex kundi kahit 'yong mga date ng okasyon, kung saan ginanap ang isang event, kung anong year, etc.. Minsan kahit kahapon lang, tapos tinanong kung anong niluto kong ulam, need pa i-process ng utak ko para maalala agad.

May time din na nahahalo ko 'yong nangyari sa kahapon sa isa-isa pang araw. Pero iyong kasalanan ng tao sa akin last June 16, 2018... tanda ko pa. Crystal clear. HAHAHAHA CHOS!

I think something's wrong with me. 😭

Ate ko kasi 40 na pero ang sharp pa rin ng memory niya. Tanda niya halos lahat ng details kapag nagkuwento siya kahit from year 2012 pa iyon. Tapos ako, kung wala silang ipapakitang photo, hirap na hirap alalahanin iyon. Huhu. Minsan nga si Mama ko na senior na, mas nakakaalala pa ng mga bagay-bagay.

Nagbabasa-basa ako, gumagana pa utak ko swear. Lol. Hindi ko lang talaga gets kung bakit. Pero aaminin ko, marami akong naranasang painful in the past. Tolerable pain naman iyon kasi okay okay naman ako ngayon. Scary lang kasi minsan pati happy memories, nakakalimutan ko ibang parts na parang, "Ah, pumunta pala tayo doon noon?" Nagbibiro nga sa akin minsan sina Ate kasi parang hindi ko naman daw sila love kasi nakalimutan ko raw na sila kasama ko no'n. Eh anong gagawin ko, di ba. 😭

May ganito rin ba sa inyo?

reddit.com
u/palaboylaboylang — 22 hours ago

Dito, hindi mo sure what/who's real or not. Kaya nakakatakot mag-back to zero sa paghahanap ng connections.

Itong age bracket na 'to ang cautious na at the same time pa-give up na rin. Pero siyempre, always hopeful. Ito 'yong tipong dinadasalan na talaga ng iba. Haha. Finding genuine connections is really hard these days kasi, 'no? Nandiyan 'yong vibe naman kayo ng kausap mo, nagkakaintindihan, nagkakasundo sa ibang hobbies and beliefs, mga good things madalas n'yong nasasabi sa bawat isa, halos same kayo ng pinagdaanan, bonus pa kung physically attracted kayo sa isa't isa... pero ano nang mangyayari after all these HIs and HELLOs? Those midnight conversations, those meetups & dates, those kilig moments? Everything's just so uncertain.

Puwede kasing may good intentions sa umpisa, after quite sometime, biglang magbago ihip ng hangin. Baka akala natin healed na sila, pero may unfinished business pa pala. Baka akala natin 100% single sila, pero eme emerut lang pala. Sa TG, X, Threads, Viber, Whatsapp, Reddit, Bumble lang pala sila single pero sa FB at IG–in a relationship or married with kids na pala. Or kagagaling lang literal sa breakup at naghahanap ng rebound or something.

Scary, 'no? Haha. Para tayong tumataya sa hindi natin sigurado. Hulog ng langit ang mga taong kaya maging totoo online at sa personal. Hindi kailangang magpanggap na they're like this, like that. Na super single sila pero may mga sabit pala talaga. Na hindi raw seggs hanap nila pero makikita mo naman sa posts na looking for fubu. Lol. Sana makatagpo naman tayo ng matitinong tao. Na tipong same kayo ng pakay, goals and values in life. Platonic or romantic man maging relasyon ninyo sa future, basta totoo. 'yong hindi kayo magkakatarantaduhan lang.

reddit.com
u/palaboylaboylang — 2 days ago