u/orangewebslinger

▲ 42 r/concertsPH+1 crossposts

Cebu Concert Etiquette - Did you experience this too?

3 times na akong naka-attend ng concert sa Cebu, including 2 years straight sa Playback Music Festival, pero honestly… bakit parang sobrang poor ng concert etiquette dito minsan? 😅

Isa sa pinaka napapansin ko talaga yung mga nasa likod na seats tapos biglang pupunta sa harap during the most awaited song para lang makapag-video or pics. Ending, nabablock nila yung view ng mga taong nagbayad nang mas mahal just to secure good seats in the first place.

Tapos yung guards parang nahihiya pa manita kahit obvious nang nakakaabala na silaz

Last night, may nakita pa akong girl na sinita yung isang guy kasi harang na talaga sila sa view. Pero yung guy pa yung galit at sumigaw pabalik.

Last year, na-experience pa namin na bigla raw na-move yung seats namin on the same day ng concert dahil may “changes” daw sa seat plan. Siyempre, pinaglalaban talaga namin yung seats namin kasi maaga kaming bumili at mas mahal yung binayad para sa pwesto na yun.

Tapos pagpasok namin sa venue, surprise!!! Nagdagdag pa sila ng another row of seats sa harap namin 😭 Imagine expecting to be front row, only to find out na hindi na pala kasi ginawang reserved/management seats yung nasa unahan. Medyo nakakawalang gana lang kasi parang unfair sa mga concertgoers na nagbayad nang maayos just to secure those spots. 💀

Genuine question lang, normal ba talaga ‘to sa Cebu concerts? Kasi based sa experience ko sa Manila concerts, mas marunong rumespeto sa assigned seats at concert etiquette yung crowd doon. Dito parang basta makakuha lang ng video for clout, okay lang makaabala ng ibang tao 😬 Sabi ko baka give Cebu concerts another chance. Pero honestly… parang the Cebuano crowd still isn’t giving 😭 Parang ang hirap lang minsan mag-enjoy fully when basic concert etiquette and proper crowd control feel nonexistent.

reddit.com
u/millenialwithgerd — 3 days ago