u/misslinggaa

🔥 Hot ▲ 106 r/utangPH

Debt Free Journey wt ₱1.5M++ total utang

This journey started last year, 2025 when I was no longer keep up to pay my bills. Kahit minimum due di ko na kaya. Akala ko kaya ko malagpasan dahil sa sahod ko na ₱60,000 anf lagi ako naggrant-an ng loan.. di ko namalayan na tapal system na ginagawa ko and mas lalo akong nalubog.

My cards were used due to excessive travel. Travel ang naging outlet ko para ma-heal or makalimutan mga problema dahil sa cheating ng husband ko. I thought magiging okay ako.. naging happy ako kahit papano, nakalimutan mga problema pero financial naman ang naging problema. Imaginine mo, emotional + financial problems ang nangyari.

Breakdown of my utang

₱500,000 - EW CC (Restructured)

₱300,000 - BPI CC (OD)

₱40,000 - BPI Loan (OD)

₱80,000 - CIMB Revi Credit

₱200,000 - Citibank PL (Restructured)

₱20,000 - GCredit (ongoing payment terms)

₱4500 - EW Loan borrowed from a relative 2 years to pay pa

₱6566 - EW Loan borrowed from a relative, 3 years to pay

Inuna ko talaga bayaran mga maliliit, GLoan and SPayLater..

may Maya din ako ginagawa ko siyang revolving credit..

BPI CC and BPI loan

— pina overdue ko muna talaga to. Di ko keri. Nag house visit na din sila, medyo harrass ang last na nag HV pero pumasok agad ako sa bahay. Nagpapadala rin ng demand letters.

EW CC and Personal Loan

— ito talaga di ko hinayaan na matagalang OD kasi yung EW Home Loan namin nandito so pag naooverdue ako, nagseset off sila sa pambayad ng bahay namin and ayoko mawalan ng pambayad sa bahay so grabe ang manalig ko na ma-approve dito.

Medyo may katagalan pero tiyaga lang talaga.

Eto mga tinawagan ko para mag-apply for restructure, sa loans ito.

02 8620 1724

02 8620 1725

csdocs@eastwestbanker.com

Unionbank PL

— inasikaso ko agad to kasi cheke to at possible na makulong dahil sa cheke. Sila ang maayos kasi 2mos OD ako may nakaready na silang payment restructure plan, salamat talaga UB.

Dito ako nakipag negotiate

02 84233978

02 88418688

Revi Credit

— OD muna pero wala pang HV.. malalagpasan ko din to

Sana makatulong, kaya natin to. Talagang makipagusap lang sa bank kung alam naman nila na sincere ka.

Bahala na muna credit score ko, alam kong one day malalagpasan ko ito. Sobrang dami kong natutunan sa subreddit na to. Laking tulong ng journey nila at alam kong “hindi lang ₱1.5M ang halaga ng buhay ko”

reddit.com
u/misslinggaa — 3 days ago