rabbit hole
iba talaga pag na adik ka sa sugal noh? kahit anong self control mo, konting relapse lang babalik ka uli sa simula. nakakapang hinayang lang na akala mo nakatakas ka na sa online gambling pero konting free time lang at curiosity na bumisita is mababalik ka uli at lalo pang lalala.
Nung una tanggap ko pa na naubos savings ko pati sahod nung una akong na adik sa online gambling sa gcash 2 years ago. For me non nalalakihan na ako sa talo na 10-15k and naisip na ang lala ng mga nakikita kong natatalo ng 100k+ sa sugal.
Little did I know na magiging ganon din pala ako kalala nung naisipan ko uli mag try hanggang bawiin talo ko. Ngayon baon ako sa utang sa mga OLA like shopee, gloan, sss, billease, at sa mga kapatid. Natigil lang ako sa sugal nung ma realize ko na maxed out ko na lahat ng available loan at pantaya ko.
Now, I sorted out lahat ng loan dues ko at how much. Almost 100k na rin siya, I considered myself lucky na lang siguro kasi unlike sa iba wala akong responsibility since I still live with my parents although I nagbabayad ako ng internet at sa grocery dahil hati hati naman kaming magkakapatid.
Ngayon balik ako sa realidad working in BPO 9-5 job. Gagalingan ko na lang para sa incentives para dagdag pambayad sa loan.
I was hoping na makatakas sa rabbjt hole na to kasi kahit anong self discipline nagawa ko na pero wala pa rin, gumagawa pa rin yung self ko ng paraan to access o bypass yung mga ginawa kong restriction. Maybe I needed professional help pero sana malagpasan ko uli to, kasi nagawa ko naman before ng napakatagal, pano pa kaya ngayon.