u/izzabitcrazy

Sabi, lason ang pag-ibig

May nabasa ako rito nung nakaraan. Sabi, lason daw ang pag-ibig sa babaeng may pangarap.

Alam mo ba, araw-araw, walang palya, naiisip kita.

Paggising ko, tinitingnan ko kung may mensahe ba mula sa'yo. Ilang beses kitang kinukulit sa maghapon. Sa gabi, ikaw ang gusto kong kausap. Bago matulog, hinihiling ko sa hangin na sana, maging mabuti ang mundo sa'yo. Kagabi, hindi ako makatulog kakaisip sa kung gaano kalupit sa'yo ang tadhana, kaya nagdasal ako kahit alam natin parehong hindi ako maka-Diyos. Humingi ako ng pabor sa Kanya, na kung isa lang sa'ting dalawa ang pwedeng maging masaya, sana ikaw 'yon.

Minsan, natatakot ako sa kung gaano ako kahandang iwanan ang lahat para sa'yo. Kung paanong ayos lang na ialay ko ang sarili kong buhay kung kapalit no'n ay ang kasiguruhang malalagay ka sa maayos.

Sabi, lason daw ang pag-ibig sa babaeng may pangarap.

Bahagi ka ng mga pangarap ko.

Pero lason ang pag-ibig ko sa'yo.

reddit.com
u/izzabitcrazy — 16 hours ago

Gusto kita against reason

Gusto kita against reason. 

And maybe, yan yung dahilan bakit sigurado akong gusto kita. Wala namang magandang rason kung bakit nakakapit pa rin ako kahit matagal ka nang bumitaw at kung bakit pabalik-balik ako sa taong ilang beses akong iniwan.

Pero, ikaw yan. Walang mental gynnastics ang makakakapagbigay ng lohikal na sagot kung bakit. 

Ikaw yan.

Kaya kahit beyond reason, gusto kita. 

Kahit walang patutunguhan ang lahat. Gusto ko lang makita kang masaya.

Mahal pa rin kita. Tangina.

04/20/2025

1:39 am

reddit.com
u/izzabitcrazy — 1 day ago