u/bliss725254

I gave a chance to a 1st timer pero parang nagsisisi ako

Nagpahanap yung client ko na makakasama ko. Magkakawork kami closely.

Yung mga nashortlist ko

dalawang experienced na

isang no exp pero goods naman

isang no exp, pero na-wow ako sa interview (college schoolmate ko sya pero di kami close)

Ang pinili ko is yung pang-apat. Naimpress ako sa mga sagot nya, and medyo kakilala ko din kaya binigyan ko sya ng chance.

May mga nagtry din na kakilala ko na mas kaclose ko, pero hindi ako satisfied sa mga sagot.

Hindi ko pinili yung dalawang may expi na kasi feeling ko aalis lang din sila soon. 6-8/hr yung offer, nasa upper range yung asking nila. Tas few months pa lang sila sa current client nila.

Yung client ko naman is okay lang sakanya walang expi, basta willing to learn. And very malapit talaga sya sa mga pinoy kasi ang asawa nya is pinay. Ang hinahanap din nya is yung pang long term.

So ayun edi nagstart na yung napili ko.

Sinet-up na yung emails nya, CRM, at iba pa naming tools.

Naloka lang ako na lahat tinanong nya na sakin. Simpleng log-in via google account lang naman yun.

Ang mas naloka ako, nagkaissue kasi sa account nya sa isa naming tool, so nakipagset sya ng meeting sa vendor.

Ang binigay nyang details is PH number nya, then ang oras is PHT pa.

Alam naman nya una pa lang na foreign client ito.

Nung 3rd day nya wala padin sya nagagawa sa task nya na expected sanang gawin nya. Dami ko inemail sakanya like onboarding, responsibilities nya, project pipeline, mga task na need gawin like eto muna. Kaso wala talaga :(

Then sabi nya gusto daw nya magpaturo kay US-based na teammate pano gawin yung task nya. Like, huh? 10yrs+ kana may corporate expi, same lang yung gagawin nya dito, pero bat sya magpapaturo. T_T

Hindi ko makita yung eagerness nya or kahit research man lang pano yung remote work setup.

Share naman kayo pano nyo hinandle ganitong situation.

I’m happy to teach and train pero kung sobra sobra na like lahat nalang itatanong, parang iba na yata yun.

reddit.com
u/bliss725254 — 15 hours ago